Louise delos Reyes on ex-BF Enzo Pineda: "We're not friends, but we're civil."

by Rose Garcia
May 15, 2016
Louise delos Reyes feels relieved that she has finally put closure on the rift between her, her ex-BF Enzo Pineda and rumored BF Aljur Abrenica: "Parang at the end of the day, hindi na rin kami mga bata. Parang kung anuman yung mga issues before, we settled it already. Kung anuman ang hindi pagkaka-intindihan, at least ngayon, meron kaming ending."

Sa pagbabalik-showbiz ni Louise delos Reyes, masaya siya dahil nabigyan na raw niya ng closure ang ilang mga kontrobersyal na isyu na hinarap niya bago siya mag-lie low sa showbiz noong nakaraang taon.

Kasama na rito ay ang isyu sa pagitan nila ng kanyang ex-boyfriend na si Enzo Pineda, at ang nabalitang relasyon nina Louise at ng Kapuso hunk na si Aljur Abrenica.

Noong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Louise noong May 12 sa presscon ng Magkaibang Mundo sa 17th Floor ng GMA Building, sinabi niyang okey na rin lahat sa pagitan nilang tatlo nina Aljur Abrenica at Enzo Pineda.

Sa katunayan, magkakasama pa nga silang tatlo sa indie movie na Hermano Puli.

“Magkakatrabaho kami, may Hermano Puli kaming tatlo, kay Direk Gil Portes and okey naman.

“Parang at the end of the day, hindi na rin kami mga bata. Parang kung anuman yung mga issues before, we settled it already.

Continue reading below ↓

“Kung anuman ang hindi pagkaka-intindihan, at least ngayon, meron kaming ending,” pagpapasalamat niya.

Sila ni Enzo, okey na rin?

“We’re talking naman,” saad ni Louise.

“We’re not friends, but we’re civil.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Louise delos Reyes feels relieved that she has finally put closure on the rift between her, her ex-BF Enzo Pineda and rumored BF Aljur Abrenica: "Parang at the end of the day, hindi na rin kami mga bata. Parang kung anuman yung mga issues before, we settled it already. Kung anuman ang hindi pagkaka-intindihan, at least ngayon, meron kaming ending."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results