Lea Salonga weighs in on the Marcoses and Martial Law era

by Arniel C. Serato
May 17, 2016
Ayon kay Lea Salonga, maraming nagawang maganda ang mga Marcoses para mapaunlad ang kultura at sining noong nasa kapangyarihan pa sila. Kaya naman daw mataas ang respeto niya sa mga ito.

Para sa Pinay Broadway star na si Lea Salonga, may mga naitulong daw sa kanya ang pamilyang Marcos noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz at hinuhubog pa lang ang kanyang talento sa pagkanta.

Nitong mga nakaraang araw, may ilang netizens ang nagtanong kay Lea kung ano ang pananaw niya sa mga Marcoses.

Naging mainit muli ang apelyidong Marcos dahil sa pagtakbo ni Senator Bongbong Marcos sa pagka-bise presidente.

Matatandaang ang dating Pangulong Ferdinand Marcos ay naging diktador sa loob ng halos dalawampung taon.

Pahayag ni Lea, magkakaiba raw ang pananaw na tao sa pulitika at sa mga pulitikong sinusuportahan.

Pero hindi niya maaaring tawaran ang naiambag ng rehimeng Marcos sa paghubog ng sining sa bansa.

Continue reading below ↓

INJUSTICES. Dahil sa opinyong ito ni Lea, may nagtanong sa kanya tungkol sa diumano’y human rights violation na naganap noong martial law.

DISAPPOINTED. Dahil sa palitang ito sa kanyang Twitter follower ay nadismaya ang ilang tagahanga ni Lea.

Pero sa huli, inamin naman ni Lea na si Leni Robredo ng Liberal Party ang kanyang ibinoto.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Lea Salonga
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Lea Salonga, maraming nagawang maganda ang mga Marcoses para mapaunlad ang kultura at sining noong nasa kapangyarihan pa sila. Kaya naman daw mataas ang respeto niya sa mga ito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results