Baron Geisler to uploader of his new viral video: "Pare wag mo ng gamitin ang 'Beastmode.'"

by Nerisa Almo
May 17, 2016
Baron Geisler clueless about the intention of the student who uploaded his "beastmode" video that went viral: "Para ano? Siraan ako, sirain ang image ko? Brad, di ako takot dahil matagal na siyang sira."

Dismayado ang aktor na si Baron Geisler sa pagkaka-upload ng video kung saan makikitang minura at sinaktan niya ang isang lalaki na kinilalang isang Fine Arts student.

Sa kanyang Facebook account kahapon, May 16, sinabi ng aktor na ipinagtataka niya ang intensiyon ng taong nag-upload ng naturang video.

Aniya, “Ang sama ng mga pangyayari at ang sama ng mga tao minsan. Bigla na lang silang magdya-judge, ang gusto ko lang naman ay ang magtrabaho.”

Akma sa kuwento ng nag-upload ng video na si Khalil Verzosa, sinabi ni Baron na hindi agad naibigay sa kanya ang script para sa isang school production na kabibilangan sana niya.

Sa halip na maibigay ito bago mag-shoot, binigyan lamang siya ng idiot board ng mga tao sa production pagdating niya sa set.

“Limang araw ko nang hiningi ang script dahil kung passionate talaga sila sa ginagawa nila, dapat two days before nila ibinigay sa 'kin, hindi yung pagdating ko sa set, bibigyan nila ako ng idiot board.

Continue reading below ↓

“Doon ang pumitik, naniniwala ako sa vision mo Khalil dahil gusto mo din maiba ang proyekto mo sa main stream,” kuwento ni Baron.

FILE A COMPLAINT. Sa kanyang Facebook post, hinamon ni Baron ang nag-upload ng video na magsampa ng reklamo laban sa kanya.

Ani Baron, "Pare wag mo nang gamitin ang 'Beastmode.'

"Sige kung nag-beastmode man ako, sa tingin mo kasalanan ko ba talaga?

"Hindi ko alam kung ano ang intensiyon mo para ilabas ang video na 'to.

“Para ano? Siraan ako, sirain ang image ko?

“Brad, di ako takot dahil matagal na siyang sira.

“Sige kasuhan mo 'ko brad, magkita na lang tayo sa korte.

“Unang-una wala naman tayong kontrata, ano ba talaga tingin mo sa 'kin tanga?

“Wag mo sabihing dahil student film e iintindihin ko dapat kayo.”

Sa huli, humingi ng paumanhin si Baron sa mga dapat sana'y makakatrabaho niya para sa naturang proyekto.

Paliwanag pa ni Baron, “Para naman sa co-actors ko, pasensya na po kayo kung napahiya ko kayo at nag-alala para sa 'kin.

Continue reading below ↓

“Para naman po sa mga naniniwala sa 'kin, maraming salamat po.”

Narito ang buong pahayag ni Baron sa kanyang Facebook account:

Read Next
Read More Stories About
Baron Geisler, viral video
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Baron Geisler clueless about the intention of the student who uploaded his "beastmode" video that went viral: "Para ano? Siraan ako, sirain ang image ko? Brad, di ako takot dahil matagal na siyang sira."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results