Cesar Montano's mother dies at 86

by Jojo Gabinete
May 18, 2016
Sumakabilang-buhay sa edad na 86 ang ina ni Cesar Montano na si Mrs. Emma Manhilot dahil sa kumplikasyon sa diabetes kahapon, May 17.

Nagluluksa ngayon ang aktor na si Cesar Montano dahil sa pagpanaw ng kanyang ina na si Mrs. Emma Manhilot.

Sumakabilang-buhay sa edad na 86 si Mrs. Manhilot bandang ala-una ng hapon nitong Martes, May 17, dahil sa kumplikasyon sa diabetes.

Nasa tabi si Cesar ng kanyang ina nang bawian ito ng buhay. Namatay si Mrs. Manhilot habang kinakantahan siya ng aktor at ng ibang mga anak niya.

Matagal nang may karamdaman si Mrs. Manhilot at desisyon ni Cesar na manirahan at alagaan ang kanyang ina sa bahay niya sa Quezon City.

Nakaburol ang mga labi ni Mrs. Manhilot sa  Funeraria Paz sa Araneta Avenue, Quezon City.

Nakatakda ang libing niya sa Linggo, May 22.

Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sumakabilang-buhay sa edad na 86 ang ina ni Cesar Montano na si Mrs. Emma Manhilot dahil sa kumplikasyon sa diabetes kahapon, May 17.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results