KC Concepcion Instagram post supporting Aly Borromeo draws kilig from netizens

by Arniel C. Serato
May 26, 2016
Marami sa mga fans ni KC Concepcion ang kinilig at nagpaabot ng mensahe ng suporta sa kanyang latest post sa Instagram kung saan magkahawak ang kanilang kamay ng KAYA FC team captain na si Aly Borromeo. Umaasa ang mga ito na tuluy-tuloy na ang kaligayahang ito ng dalaga na ilang taon na ring single.

Kahapon, May 25, ginanap ang AFC Cup 2016 sa Johor, Malaysia, kung saan nakalaban ng Philippine Team na KAYA FC ang team naman ng Malaysia na Johor Darul Ta’zim.

Bago pa man ang game, nagpaabot na ng kanyang suporta si KC Concepcion kay Aly Borromeo, ang team captain ng KAYA FC at napapabalitang constant date ngayon ng actress-TV host.

Sabi ni KC, “35,000 people. Tons of pressure. Two teams. One big heart for football. Let's go, Captain!!! KayaFC #Philippines vs. Johor Darul Ta'zim #Malaysia #AFCCup2016 #Football

Labis naman itong ikinakilig ng mga tagahanga at tagasuporta ni KC.

Bumuhos ang kanilang mga mensahe ng kaligayahan sa post na ito ng Kapamilya star.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Hindi man nanalo ang KAYA FC laban sa team ng Malaysia, 7-2, suportado pa rin ng fans ni KC ang tinatawag nilang kapitan sa puso ng dalaga.

Nauna nang nagpakita ng suporta ang ina ni KC na si Sharon Cuneta sa manliligaw ng anak at botong-boto raw siya dito.

Read: Sharon Cuneta approves of Aly Borromeo for daughter KC Concepcion: 'Super boto!'

Read Next
Read More Stories About
KC Concepcion, Aly Borromeo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marami sa mga fans ni KC Concepcion ang kinilig at nagpaabot ng mensahe ng suporta sa kanyang latest post sa Instagram kung saan magkahawak ang kanilang kamay ng KAYA FC team captain na si Aly Borromeo. Umaasa ang mga ito na tuluy-tuloy na ang kaligayahang ito ng dalaga na ilang taon na ring single.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results