Charice's former manager dies due to cancer

by Bernie V. Franco
May 26, 2016
Charice's former manager, Courtney Blooding, dies due to cancer.

Pumanaw na ang dating talent manager ni Charice na si Courtney Blooding.

Sa kanyang Twitter account nitong Martes, May 24, malungkot na ibinahagi ni Charice ang pagpanaw ng dating manager at kaibigan.

Tweet pa ni Charice, cancer ang dahilan ng pagpanaw ni Courtney.

 

Inanunsiyo ni Courtney sa kanyang social media account noong January 2016 na-detect sa kanya ang Stage IV angiosarcoma, o cancer sa inner lining ng blood vessel.

Ang mga sumunod na post ng manager ay mga update tungkol sa kanyang paggagamot, kagaya ng pagsasailalim sa chemotherapy.

Nagsimula ang career ni Courtney bilang intern ng sikat na composer na si David Foster, ayon sa website ni Courtney.

Siya ang nag-manage ng career ni Charice mula 2011 hanggang 2012.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Charice's former manager, Courtney Blooding, dies due to cancer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results