Sunshine Dizon has message for kids amid rumored marital problem

by Rachelle Siazon
Jun 18, 2016
Sunshine Dizon's message to her kids: "At the end of the day I will always have you two, and it will all be worth it. Keep your heads up. Mama will protect you."

Tila nagpapahiwatig si Sunshine Dizon na nanatiling matatag ang kanyang loob sa tulong ng dalawa niyang anak.

Kaugnay ito ng ispekulasyong may pinagdaraanang matinding pagsubok ang relasyon ni Sunshine at ng kanyang mister na si Timothy Tan.

Sa kanyang Instagram post ngayong Sabado, June 17, nagbahagi si Sunshine ng kanyang larawan kasama ng dalawang anak na may edad na lima at apat na taong gulang.

Makikitang nakangiti ang dalawang anak ng Kapuso actress habang suot ang kanilang magkahawig na relo.

Sabi ni Sunshine sa maiksi ngunit malaman niyang pahayag, “At the end of the day I will always have you two, and it will all be worth it.

“Keep your heads up. Mama will protect you.

“Keep your heads up and have pride knowing you will always be loved.”

Continue reading below ↓

Bago ito ay nagbahagi rin si Sunshine ng matalinhagang quote cards tungkol sa mga taong manlilinlang at walang puso.

?

A photo posted by Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) on

Narito ang isa pang ibinahaging quote card ni Sunshine:

?

A photo posted by Sunshine Dizon-Tan (@shinedizontan) on

MSYTERY WOMAN? Sa ngayon ay hindi malinaw kung ano ang dahilan sa likod ng hiwalay na Instagram posts ni Sunshine kaugnay ng isang non-showbiz woman.

Read: Sunshine Dizon posts cryptic message about mystery woman

Gayunpaman, patuloy ang pagbigay ng suporta ng Instagram followers ni Sunshine sa gitna ng kung ano mang pinagdaraanang pagsubok ng aktres ngayon.

Bukas ang PEP sa anumang pahayag ni Sunshine at ng iba pang sangkot sa isyu.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon's message to her kids: "At the end of the day I will always have you two, and it will all be worth it. Keep your heads up. Mama will protect you."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results