Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Sunshine Dizon vows to pursue legal battle vs husband Timothy Tan "until the end"

by Rose Garcia
Jun 21, 2016
Sunshine Dizon relases an official statement, which partly reads, "As a wife and mother who uncovered lies, hindi po tama siguro na ako ay manahimik lamang, and I assure everyone that I will finish this legal battle until the end. Makakaasa po kayo na magsasalita po ako ng katotohanan lamang sa tamang panahon."

Mula nang pumutok ang balitang may problema sa pagsasama ni Sunshine Dizon at ng kanyang mister na si Timothy Tan, hindi pa nagbibigay ng pormal na panayam ang aktres tungkol dito.

Sa pamamagitan lamang ng kanyang Instagram account nalaman ng publiko ang tungkol sa kanyang pinagdadanaan.

Base sa kanyang Instagram posts, natuklasan ni Sunshine na may kalaguyo ang kanyang asawa at ibinunyag pa nga niya ang pangalan ng babae—si Clarissa Sison.

Read: Sunshine Dizon to husband Timothy Tan: 'There is no forgiveness for what you did.'

Kinumpirma naman ni Timothy, sa pamamagitan ng isang official statement, na tinuldukan na nila ni Sunshine ang kanilang pagsasama.

Read: Sunshine Dizon's husband confirms marital problems; reveals plan to file for annulment

Ngayong gabi, June 21, ay naglabas din ng kanyang sariling official statement si Sunshine na unang inilabas ng 24 Oras.

Pahayag ng aktres, “Hindi po madali ang pinagdadaanan ko at ng mga anak ko ngayon.

Continue reading below ↓

“I'm trying my best to keep everything private but my situation as an actress makes it difficult to keep everything away from the public.”

Kasunod nito ay sinabi rin ni Sunshine na hinahanda niya ang kanyang sarili sa isang legal battle.

Matatandaang sinabi ng aktres sa kanyang Instagram post na hindi niya ibibigay ang kagustuhan ni Timothy na ipa-annul ang kanilang kasal.

Patuloy ni Sunshine sa kanyang official statement, “Please bear with me in this difficult situation as I am preparing for battle.

“Hindi ko po ipagkakait sa inyo ang mga mangyayari sa buhay ko at sa pinaglalaban ko legally as your overwhelming support inspires me to fight not only for myself, for my children but also for those out there who are in the same situation like me.

“As a wife and mother who uncovered lies, hindi po tama siguro na ako ay manahimik lamang, and I assure everyone that I will finish this legal battle until the end.

Continue reading below ↓

“Makakaasa po kayo na magsasalita po ako ng katotohanan lamang sa tamang panahon.”

Sa huli ay pinasalamatan ni Sunshine ang lahat ng mga taong sumusuporta sa kanya at sa mga anak niya.

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Dizon, Timothy Tan
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Dizon relases an official statement, which partly reads, "As a wife and mother who uncovered lies, hindi po tama siguro na ako ay manahimik lamang, and I assure everyone that I will finish this legal battle until the end. Makakaasa po kayo na magsasalita po ako ng katotohanan lamang sa tamang panahon."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results