LJ Reyes bids goodbye to daring roles after winning Urian Best Actress: "Aki is growing up."

by James Patrick Anarcon
Jun 23, 2016
After winning Best Actress in the 39th Gawad Urian for her daring role in Anino Sa Likod ng Buwan, LJ Reyes says goodbye to daring roles because of her faith and son Aki. "Kasi I'm very vocal naman po na nagpa-baptize ako [as Christian] last year and Aki is growing up. So, I think I have to choose my projects wisely na talaga, kasi nakakaintindi na po yung bata."

Hindi raw makapaniwala si LJ Reyes nang tawagin siyang Best Actress sa katatapos lang na 39th Gawad Urian na ginanap kagabi, June 21.

Kinalabit pa raw siya ng kanyang boyfriend na si Paolo Contis nang tinawag ang kanyang pangalan.

Natatawang kuwento ni LJ, “Kinalabit lang ako ni Pao kanina, e. [Ang nasabi ko lang,] 'A,, okay.'

“Tapos habang naglalakad ako, hindi ko alam kung anong nangyayari, parang naglalakad lang ako pero parang blurred lahat kahit nasa stage na ako.”

Sa katunayan, halos maiyak ang Kapuso actress LJ habang nag-i-speech sa stage ng KIA Theatre, sa Cubao, Quezon City.

“The whole time, iniisip ko lang, si Aki, hindi ko masabi kasi baka maiyak na ako nang diretso, e. Baka maiyak ako sa stage,” sabi niya.

Nabanggit din ni LJ, nang ma-interview siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media pagkatapos ng awards night, na gusto raw sanang sumama ng kanyang anak na si Aki sa awards night.

Kuwento niya, “Sabi niya, 'Mommy where are you going?'

“Sabi ko, 'I'm going to an awards night, pray for your mommy.'

“Tapos tinatanong niya kung ano yung award, nagtanong siya ng maraming-maraming tanong, 'Mommy, can I go with you?'

“[Sagot ko,] 'Anak, hindi puwede kasi may pasok ka bukas. So, next time na lang.'

“Sana meron pang next time para siya na escort ko, di ba?”

NORA AND JOHN LLOYD. Kung si LJ ang nagwaging best actress para sa pelikula niyang Anino Sa Likod ng Buwan, si John Lloyd Cruz naman ang nanalong Best Actor para sa pelikulang Honor Thy Father.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang reaksiyon ni LJ na ang counterpart niya ay si John Lloyd?

Natatawang sagot niya, “Ay ang taray, nakatabi ko na rin siya sa wakas!

“Siyempre isa siya sa mga iniidolo natin sa industriyang ito.

“Sana one day makatrabaho natin siya sa kahit anong proyekto.

“Kahit naman dito sa mga nakasama ko sa entablado.”

Nominado rin bilang Best Actress si Nora Aunor para sa pelikulang Taklub. Ano ang masasabi ni LJ na natalo niya ang Superstar?

Tugon niya, “Nakakahiya po. Naku, idol ko po sila, lahat po ng nandun.

“Pati po si Alex [Alessandra de Rossi]. Lahat po sila bilib na bilib ako kaya hindi po ako umaasa na mananalo ako.

“Yung maitabi lang po yung pangalan ko at saka yung picture ko kanina po nakatabi doon, masaya na po ako.”

LAST DARING ROLE. Subalit kahit na siya ay nagwaging Best Actress para sa pelikula kung saan may daring love scene siya, isasantabi daw muna ni LJ ang pagganap ng mga ganitong klaseng roles.

Saad niya, “Siguro ite-take ko na rin po yung opportunity na ito na sabihin na I think it would be my last na daring [role].

“Kasi I'm very vocal naman po na nagpa-baptize ako [as Christian] last year and Aki is growing up.

“So, I think I have to choose my projects wisely na talaga, kasi nakakaintindi na po yung bata.

“And when it comes to my faith also, kailangan mamili na po tayo ng projects.

“Hindi naman po ibig sabihin noon, e, hindi na tayo gagawa ng proyekto na matsa-challenge tayo bilang isang aktor.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinabi naman ni LJ na nakahanda na rin ang kanyang susunod na teleserye sa GMA Network, subalit hindi pa siya makapagbigay ng detalye tungkol dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After winning Best Actress in the 39th Gawad Urian for her daring role in Anino Sa Likod ng Buwan, LJ Reyes says goodbye to daring roles because of her faith and son Aki. "Kasi I'm very vocal naman po na nagpa-baptize ako [as Christian] last year and Aki is growing up. So, I think I have to choose my projects wisely na talaga, kasi nakakaintindi na po yung bata."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results