'Timothy Tan' appeals to Sunshine Dizon to set him free

by Arniel C. Serato
Jun 23, 2016
Pinabulaanan ni Timothy Tan na sa kanya ang Twitter account na may ganitong post: "Set me free! Let's make it our separation legit. Let's both be happy. Hindi lang ikaw ang nasasaktan."

Pinabulaanan ni Timothy Tan, estranged husband ng aktres na si Sunshine Dizon, na sa kanya ang Twitter account na @tantim99.

Kumalat kasi sa social media ang post na ito ng naturang Twitter account: "Set me free! Let's make it our separation legit. Let's both be happy. Hindi lang ikaw ang nasasaktan."

Ito ay tila patungkol sa pinagdadaanang problema nina Timothy at Sunshine sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Ngunit nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Timothy tungkol sa naturang Twitter post na pinaniniwalaang sa kanya, sinabi ng piloto: "I don't have twitter."

Base sa pagsasaliksik ng PEP, ang @tantim99 Twitter account, na pag-aari ng isang John Timothy Tan, ay noon pang 2011 ginawa o limang taon na ang nakalilipas.

Mayroon itong 269 followers at 24 lamang ang kanyang pina-follow.

Ngunit kapansin-pansin na tatlo lamang ang bago niyang posts mula noong August 21, 2014.

MARITAL PROBLEM. Matatandaang nitong nakaraang Biyernes, June 17, isiniwalat ni Sunshine na may problema sa pagsasama nila ni Timothy.

Continue reading below ↓

Tinukoy rin niya ang pangalan ng babaeng diumano'y sangkot sa gulo ng kanilang relasyon.

Read: Sunshine Dizon posts cryptic messages on Instagram about mystery woman

Sa kanya namang naunang pahayag, sinabi ni Timothy na napagkasunduan nila ni Sunshine na tapusin na ang kanilang samahan at nakatakda silang dumaan sa proseso ng annulment.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Read: Sunshine Dizon's husband confirms marital problems; reveals plan to file for annulment

Ngunit sa isang post sa Instagram, sinabi ni Sunshine na hindi niya ibibigay ang hiling ng asawa at magkikita na lamang sila sa korte.

Read: Sunshine Dizon to husband Timothy Tan: 'There is no forgiveness for what you did.'

Samantala, wala pa ring pormal na pahayag ang babaeng third party diumano sa kanilang hiwalayan na isang nagngangalang Clarissa Sison.

Read: Is this Clarissa Sison's answer to Sunshine Dizon's accusations?

Continue reading below ↓
Nagpadala na ng mensahe ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Timothy sa Facebook ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito sumasagot.

Mananatiling bukas ang PEP sa lahat ng nabanggit na pangalan sa artikulong ito para sa kanilang panig.

Read Next
Read More Stories About
Timothy Tan, Sunshine Dizon
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinabulaanan ni Timothy Tan na sa kanya ang Twitter account na may ganitong post: "Set me free! Let's make it our separation legit. Let's both be happy. Hindi lang ikaw ang nasasaktan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results