Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Ai-Ai delas Alas gets bashed for posting photo of President Duterte on IG

by Gorgy Rula
Jul 8, 2016
Ai-Ai delas Alas on President Rodrigo Duterte: "Hahanga ka naman talaga sa kanya, e. Di pa nga siya umupo, ang dami nang nahuli na drug lords or napatay. Ganun siya kagaling, ibig sabihin nun, tinutupad niya sinasabi niya."

Napilitang sumagot ni Ai-Ai delas Alas sa mga negatibong komento mula sa ilan niyang followers sa Instagram kaugnay ng ipinost niyang litrato ni Pangulong Rodrigo Duterte nang dumalo ito sa unang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA noong Martes, July 5.

Caption ng Kapuso Comedy Queen sa nasabing post: “Ang pangulo… President Rodrigo Duterte (grabe nung dumating sya chant yung pangalan niya mahal ng Pinoy).

“Sayang di ako nakapagpa-picture. Nahiya ako.

“Tapos noong malakas na loob ko, nagsimula na yung 3rd quarter hahaha.

“Eto nganga wala kami pic… At least na picturan ko siya.

“Lakas maka-starstruck ni Mayor President…”

May kumuwestiyon sa post na ito ni Ai-Ai dahil sa dating Vice President Jejomar Binay daw ang sinuportahan niya nung nakaraang eleksyon.

Tila ikinumpara pa siya sa prutas na balimbing.

Hindi na ito sinagot ni Ai-Ai sa Instagram, bagamat marami naman siyang followers na nagtanggol sa kanya.

AI-AI SPEAKS UP. Ngunit nang maka-text ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Philippine Queen of Comedy kahapon, July 7, sinagot na rin nito ang pambabatikos na natatanggap niya dahil sa nasabing Instagram post.

Continue reading below ↓

Sabi ni Ai-Ai sa kanyang text message, “Nanood lang naman ako ng basketball.

“Na-amaze lang ako sa tao kung gaano nila kamahal si Duterte.

“Sinabi ko bang Duterte ako?”

Kahit ang ibang mga kasamahan daw niya sa bahay ay si Duterte ang ibinoto noong nakaraang eleksyon.

Si Ai-Ai ay kay Binay pa rin ang suporta, pero hindi nga lang pinalad manalo.

Dagdag pa niya tungkol kay Pesident Duterte, “Dapat mag-move on na.

“Saka, hahanga ka naman talaga sa kanya, e.

“Di pa nga siya umupo, ang dami nang nahuli na drug lords or napatay.

“Ganun siya kagaling, ibig sabihin nun, tinutupad niya sinasabi niya.”

Sinabi rin ng Kapuso comedienne na dapat ay full support na ngayon sa bago nating pangulo dahil tapos na ang eleksyon.

Pero nandun pa rin daw ang pagmamahal niya kay Binay.

“Siyempre ang puso ko, kay Binay pa rin yun, ang kilala ko at nakiramay sa akin,” dagdag niyang text.

Continue reading below ↓

Hindi na raw niya pinapatulan pa ang mga basher niya, pero huwag naman daw sanang gawin pang isyu ang ipinost niyang paghanga sa bago nating pangulo.

“Wala naman dun sa basketball si Binay.

“Kung nandun siya, e, di sa kanya ako magpa-picture,” sabi ni Ai-Ai.

Read Next
Read More Stories About
Ai-Ai delas Alas
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ai-Ai delas Alas on President Rodrigo Duterte: "Hahanga ka naman talaga sa kanya, e. Di pa nga siya umupo, ang dami nang nahuli na drug lords or napatay. Ganun siya kagaling, ibig sabihin nun, tinutupad niya sinasabi niya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results