One Up member Nikki Co admits strained relationship with his father

by Rommel R. Llanes
Aug 16, 2016
One Up member and StarStruck 6 almunus Nikki Co on his wish for his father: "Sana mas marami siyang time na parang maki-mingle siya sa amin tsaka makahanap ng stable job, siyempre."

Puwedeng itampok sa Magpakailanman ang madramang buhay ng One Up boy band member at StarStruck batch 6 finalist na si Nikki Co.

Sa pagtatanong kasi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang trabaho ng ama ni Nikki ay nalaman naming hindi maayos ang sitwasyon sa pagitan nilang mag-ama.

“Yung father ko po kasi, wala siyang stable job, e, paiba-iba,” sabi ng newcomer.

Ang tiyahin daw ni Nikki na isang stockbroker ang nagpapaaral sa kanya.

Dagdag pa niya, “Ang mother ko accountant po sa isang printing press.”

Sa bahay lang ba ang tatay niya?

“Hindi, paiba-iba.

“Kasi dati, late na siyang nakatapos ng pag-aaral.

“Hindi siya nakatapos dati kasi hindi rin sila mayaman.

“Tapos tinapos lang niya nung medyo malaki na rin ako, mga eleven [years old], ganun.”

Inamin ni Nikki na may sama siya ng loob sa tatay niya.

“Medyo. Hindi kami close.”

Hindi raw sila masyadong nag-uusap.

“Pero okey lang naman.”

Continue reading below ↓

Noong artista na siya, ano ang sinabi sa kanya ng ama niya?

“Sabi niya, gusto daw niyang maging tagahatid sa akin, ganun.”

Ano ang isinagot niya dito?

“Okay lang.”

May pagkakataon bang kinausap niya ito tungkol dito?

“Wala, e.”

Bakit hindi niya kinakausap nang masinsinan ang kanyang ama?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

“Family problem, may family problem.”

Pero ayaw nang idetalye ni Nikki kung ano iyon.

Hindi raw sila magkasama ng tatay niya sa bahay ngayon.

“Ngayon po nag-US po siya, naghahanap ng trabaho.

“Tinulungan din ng mga kapatid niya po.”

Kung makakausap niya nang seryosohan ang tatay niya, ano ang sasabihin niya dito na hindi niya nasabi kahit kailan?

“Sana mas marami siyang time na parang maki-mingle siya sa amin tsaka makahanap ng stable job, siyempre.”

Ano ang ibig niyang sabihin na hindi ito nakiki-mingle sa kanila?

“Parang yung, kunyari po, hindi kami niyayayang lumabas. Kahit ano lang, bonding lang po.”

Kapag nasa bahay ba sila ay nakikipag-usap ito sa kanila?

Continue reading below ↓

“Hindi masyado.”

Pero may tsansa namang mawala ang sama ng loob niya sa ama niya?

“Opo,” tugon ni Nikki.

Kapag dumating ang panahong ama na rin siya, ano ang isang bagay na gagawin niya na hindi nagawa ng tatay niya?

Sagot ng One Up member, “Ibibigay ko ang mga free time ko sa anak ko.

“Tsaka siyempre hahanap ako ng magandang trabaho para mayaman kami, para hindi sila yung, ‘Sana meron akong ganitong gamit.’

“Lahat ng gusto nila, mabibigay ko sa kanila.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
One Up member and StarStruck 6 almunus Nikki Co on his wish for his father: "Sana mas marami siyang time na parang maki-mingle siya sa amin tsaka makahanap ng stable job, siyempre."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results