Judy Ann Santos hits back at basher who criticized her figure

by Nerisa Almo
Aug 24, 2016
Judy Ann Santos-Agoncillo to a netizen who questioned her weight-loss journey: "Pesensya na hindi ko kasi alam na nagmo-monitor ka pala."

Isang sarkastikong sagot ang ibinigay ni Judy Ann Santos sa isang netizen na sarkastikong nagkomento sa kanyang Instagram post kanina, August 24.

Sa post ni Judy Ann ng larawan ng kanyang “personalized meal,” isang “jhoannadelrosario” ang nagkomento ng ganito: “Akala ko ba nagda-diet ka? Ba't sobrang taba mo pa rin?”

Hindi ito pinalampas ng actress TV-host at sinagot niya ito:

“@jhoannadelrosario hi! Naku sorry.. Affected ka ba na mataba pa rin ako?

“Pesensya na hindi ko kasi alam na nagmo-monitor ka pala.

“D bale... Pag pumayat ako ikaw unang unang itatag ko ah, para mabawasan bigat ng dibdib mo.”


Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓


Mula nang isilang ni Judy Ann ang kanyang bunsong anak nila ni Ryan Agoncillo na si Luna, madalas na siyang mag-post ng workout videos and photos, ganundin ang healthy meals na inihahanda niya bilang bahagi ng kanyang “balik-alindog” program.

Sa nakaraang panayam ng PEP kay Judy Ann, sinabi niyang bagamat puspusan na ang kanyang pag-eehersisyo, hindi naman daw siya nagmamadaling bumalik sa pangangatawan niya noon bago ipagbuntis si Luna.

Katuwiran niya, “Ayaw ko rin biglain yung katawan ko kasi nga hindi ko alam ang tamang paraan ng pagbabalik ng workout kapag galing ka sa caesarean.”

Pabiro pa niyang sabi, “So, ini-enjoy ko yung moment na mataba ako. Ini-enjoy ko yung journey.”

Diin pa ni Judy Ann, sa kanyang edad, hindi na pagbabawas ng timbang ang gusto niyang ma-achieve.

“Siguro hindi na ako doon sa pagpapapayat, e.

“Siguro doon na lang sa pagiging malakas, kasi you want na pantayan mo yung energy ng mga anak mo, yung makapaglaro ka with them.”

Continue reading below ↓

Read: Judy Ann Santos in no rush to lose weight: 'Ine-enjoy ko 'yong moment na mataba ako.'

Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos-Agoncillo
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos-Agoncillo to a netizen who questioned her weight-loss journey: "Pesensya na hindi ko kasi alam na nagmo-monitor ka pala."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results