Yen Santos explains why she discouraged Arron Villaflor to court her

by Nerisa Almo
Sep 2, 2016
Yen Santos explains why it's better to be just friends with Arron Villaflor: "Kasi sabi nga, cheesy man, walang breakup yun."

Okay nang magkaibigan na lang tayo.”

Ito raw ang sinabi ni Yen Santos sa dating All of Me co-star niyang si Arron Villaflor.

Bagamat maraming kinikilig sa tuwing nakikita silang magkasama noon, nilinaw ng 24-year-old actress na hindi sila nagkaroon ng romantic relationship ni Arron.

Hindi talaga. Nanligaw siya,” diin ni Yen nang usisain ng entertainment reporters tungkol sa pagiging close niya kay Arron, lalo na noong ginagawa pa nila ang All of Me.

Dagdag pa niya, “Hindi naman binasted, pero magkaibigan kasi kami.

“Parang ako, okay na lang kaming magkaibigan.

“Noong nanliligaw siya sa akin, parang naiilang pa ako.

“Parang hindi ko tuloy maiwasan na parang...

“Mas kumportable kasi kami na magkaibigan so, 'Huwag mo na akong ligawan,' parang ganun.”

Aniya pa, “Para lang talaga naging kami. Pero kami talaga yung example na mas okay ng maging magkaibigan.

“Kasi sabi nga, cheesy man, walang breakup yun.

“Feeling ko happy naman siya. Happy rin naman po ako sa sarili ko.”

Continue reading below ↓

RELATIONSHIP GOALS. Samantala, bagamat may mga nanliligaw, maingat na raw ngayon si Yen sa pakikipagrelasyon.

“Kasi, na-hurt na ako noong last time, noong huli kong heartbreak,” katuwiran niya.

Wala bang nanliligaw sa kanya ngayon?

Sagot ni Yen, “May mga nagpaparamdam pero nag-iingat lang po talaga ako.

“Kasi 24 na ako, mayroon na akong goals.

“Kapag mayroon na, gusto ko yun na, may strong foundation ang relationship.

“Ngayon, natuto na ako sa sarili ko lang experiences.

“Unang-una talaga sa family. Kung mahal ako, dapat mas mamahalin ang pamilya ko.

“May respeto at mabait.”

Hiling pa ni Yen, “Sana next year dumating na.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yen Santos explains why it's better to be just friends with Arron Villaflor: "Kasi sabi nga, cheesy man, walang breakup yun."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results