PEP EXCLUSIVE. Gab Valenciano-Tricia Centenera split caused by infidelity and money issue, says source

by Arniel C. Serato
Sep 7, 2016
Pambababae at pera diumano ang pangunahing dahilan kung bakit humantong sa hiwalayan ang halos dalawang taong pagsasama nina Gab Valenciano at Tricia Centenera.

Usap-usapan ngayon sa loob at labas ng showbiz ang balitang hiwalay na diumano ang mag-asawang sina Gab Valenciano at Tricia Centenera, matapos lamang ng higit isang taong pagsasama.

Ikinagulat ito ng marami dahil tatlong beses pang pinakasalan ni Gab si Tricia.

Una ay sa isang civil ceremony na ginanap noong October 11, 2014 sa Amerika.

Pagkatapos nito ay dalawang beses silang ikinasal dito sa Pilipinas noong 2015; una sa Tagaytay noong March 27 at pangalawa sa Boracay noong March 31.

Bagamat walang direktang pahayag ang magkabilang kampo tungkol sa napabalitang hiwalayan nila, tila nakumpirma naman ito sa social media posts nina Gab at Tricia.

Ito ang cryptic posts ni Gab noong August 30 at 31 sa Twitter:

Noong August 30 ay nag-post din si Tricia sa kanyang Twitter account ng isang makahulugang mensahe:

Nito lamang Lunes, September 5, ay may cryptic posts na naman si Tricia sa Twitter:

Read: Gab Valenciano and Tricia Centenera split after one year of marriage?

Continue reading below ↓

ALLEGED INFIDELITY. Pagkatapos lumabas ng mga naturang post nina Gab at Tricia ay ilang beses sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunin ang kanilang pahayag, sa pamamagitan ng pag-iwan ng mga mensahe sa kani-kanilang social media accounts, ngunit hindi kami nakatanggap ng sagot.

Kahapon, September 6, ay nakatanggap ang PEP ng mensahe mula sa isang taong nagpakilalang malapit na kaibigan nina Gab at Tricia.

Alam daw niya ang nangyayari sa pagsasama ng dalawa at may may mga impormasyon siya sa dahilan ng paghihiwalay nila.

Ngunit nakiusap siyang huwag na lamang banggitin ang kanyang pangalan.

Base sa pahayag ng aming source, na ipinadala sa PEP sa pamamagitan ng series of text messages, lumalabas na may kinalaman sa pambababae diumano ni Gab at sa pera ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa.

Si Gab din daw ang may kagustuhang mag-file sila ng divorce.

Bagamat dalawang beses silang nagpakasal dito sa Pilipinas, kung saan hindi tinatanggap ang divorce, maaari silang mag-file ng divorce sa Amerika kung saan una silang ikinasal.

Continue reading below ↓

Sabi ng source, “Gab is pushing for a divorce.

“Tricia is crushed and now all the cheating has surfaced.”

Dagdag pa niya, “Tricia asked Gab to move out one month ago due to emotional abuse and lack of working on the marriage.

“He simply wanted out. Refused to go to marriage counseling, was and still is avoiding their pastor…”

Nagbanggit ang source ng pangalan ng apat na female celebrities at ilang okasyon kung saan nakita raw ang mga itong ka-date o kasama si Gab.

Kabilang dito ang cosplayer at TV host na si Alodia Gosiengfiao, na nabanggit na rin sa ilang tabloids na third party diumano ng hiwalayan nina Gab at Tricia.

Kasama rin sa pinangalanan ng source sina Lauren Reid (kapatid ni James Reid), Issa Pressman (kapatid ni Yassi Pressman), at ang modelong si Dani Camcam.

Pinadalhan ng PEP ang binanggit na mga pangalan upang kunin ang kanilang reaksiyon.

Continue reading below ↓

Itinanggi ni Issa ang alegasyon, habang tumanggi namang sumagot si Lauren.

Wala pa kaming nakukuhang sagot mula kina Alodia at Dani.

MONEY ISSUE. Bukod sa pagkakaugnay diumano ni Gab sa ibang babae, sinabi ng source na may mga kaso diumanong kinahaharap ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan sa Los Angeles, California, kung saan sila nanirahan ni Tricia pagkatapos ng kanilang kasal sa Pilipinas.

Ito raw ang dahilan kung bakit nagdesisyon ang mag-asawa na bumalik sa Pilipinas.

Sabi pa ng source tungkol kay Gab, “He’s a good talent but can never commit projects and never delivers.

“He hated Manila showbiz, but now he is falling back in love with the Philippines because he has no choice, so he can come back here to work.”

Matatandaang noong September 2015, isang mahabang Facebook post ang ibinahagi ni Gab kung saan inihayag niya ang kanyang frustrations sa showbiz career niya sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

Read: Gab Valenciano reveals he left Philippine showbiz two years ago because he felt unwanted

Ayon pa sa source, may pagkakautang diumano si Gab na malaking halaga sa isang malapit na tao sa pamilya ni Tricia.

BLAME GAME. Idinagdag din ng source na sinisisi raw ni Gab ang kanyang mga magulang sa pagpilit sa kanyang pakasalan si Tricia.

“Gab is blaming his parents for pushing him to marry Tricia… but why would he marry her 3 times if he wasn’t sure?”

Pinalalabas din ng source na tila hindi makapagdesisyon si Gab kung ano talaga ang gusto niyang gawin sa kanyang buhay.

“Also now he wants to be a motorbike racer? Wasn’t he a triathlete once for a year, too?

“Then he was a director last year...”

Ngunit sa kabila ng pagkasira ng pagsasama nina Gab at Tricia, nananatili raw maayos ang relasyon ni Tricia sa mga kapatid ni Gab, at maging sa misis ni Paolo Valenciano na si Samantha.

Continue reading below ↓

Sa katunayan, may mga mensahe pa si Kiana Valenciano, bunsong kapatid ni Gab, sa Twitter posts ni Tricia.

Maayos din daw ang pakikitungo ni Tricia sa ama ni Gab na si Gary Valenciano.

Kamakailan nga lamang ay nagpasalamat pa si Tricia kay Gary sa Twitter.

Read: Tricia Centenera to Gary Valenciano: 'Thank you for being my second Papa.'

Sa kaso naman ng ina ni Gab na si Angeli Pangilinan-Valenciano, malaki pa rin daw ang paniniwala nitong ang anak ang biktima sa sitwasyong ito.

SUPPORT SYSTEM. Ayon sa source, labis daw nasasaktan si Tricia sa mga pangyayari.

Pero hindi naman daw ito pinapabayaan ng kanyang mga kaibigan at pamilya.

Dagdag ng source, “Also Coleen [Garcia, Gab’s ex-girlfriend] and Tricia had dinner together a few weeks ago. She is Tricia’s support.

“They were friends long before they both know Gab. They did acting together at ABS-CBN and always stayed friends.”

Nasa bansa rin daw ngayon ang ina ni Tricia upang damayan ang anak sa kinahaharap na problema.

Continue reading below ↓

“Tricia’s mom has flown in to be by her side,” sabi ng source,

Nag-tweet din si Tricia tungkol sa pagdating ng kanyang ina.

STATEMENT FROM TRICIA AND GAB. Bago inilathala ang istoryang ito ay makailang ulit nagpadala ng mensahe ang PEP sa kampo nina Gab at Tricia upang kunan sila ng pahayag, sa pamamagitan ng text messaging, social media, at pagtawag sa telepono.

Pagkatapos ng mahigit isang araw na paghihintay, nakatanggap kami ng sagot mula kina Gab at Tricia, sa pamamagitan ng kanilang publicist na si Chuck Gomez, ngayong Miyerkules ng gabi, September 7.

Parehong maikli ang naging pahayag nina Tricia at Gab, ngunit wala silang itinanggi o naging paglilinaw sa mga isyung nakapaloob sa artikulong ito.

Pahayag ni Tricia: “No comment.”

Sabi naman ni Gab: “I'd rather deal with this privately with due respect to Tricia.”

Mananatiling bukas ang PEP sa panig nina Gab at Tricia kaugnay ng isyung ito.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Gab Valenciano
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pambababae at pera diumano ang pangunahing dahilan kung bakit humantong sa hiwalayan ang halos dalawang taong pagsasama nina Gab Valenciano at Tricia Centenera.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results