Mocha Uson urges President Duterte to boycott media again

by Erwin Santiago
Sep 7, 2016
Mocha Uson: "Nakakaawa na si Tatay Digong. Pagud na pagod na siya kakatrabaho para umayus ang bansa natin pero itong mga AMBISYOSONG POLITIKO ay hindi tumitigil sa paninira sa kanya. IPANALANGIN NATIN SI TATAY DIGONG at ipagpatuloy natin ang LABAN SA SOCIAL MEDIA."

Hinikayat ng sexy dancer-turned-blogger na si Mocha Uson si Pangulong Rodrigo Duterte na i-boycott muli ang media dahil sa paninira raw ng mga ito sa imahe ng presidente ng Pilipinas.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page na Mocha Uson Blog ay ipinarating ng lider ng all-female group na Mocha Girls at die-hard Duterte supporter ang kanyang panawagan sa pangulo:

“Mr. President, pls boycott the media again.

“Sinisira nila ang iyong imahe para sa kanilang pangsariling interes at pinapapangit ang imahe ng ating bayan sa ibang bansa.

“Marami pong mga ka-DDS [Duterte Diehard Supporters] na nagco-comment po na sana po ay iboycott niyo po uli ang mga BASTOS NA BAYARANG MEDIA.”

Continue reading below ↓

Nag-ugat ang panawagang ito ni Mocha dahil sa pambabatikos na natatanggap ngayon ng pangulo kaugnay ng mga naging pahayag niya laban kay US President Barack Obama.

Sa comment section ng kanyang Facebook post ay sinabi ni Mocha na pipilitin niyang maipaabot mismo kay Pangulong Duterte ang panawagan niyang ito kapag marami raw nag-share at nag-comment sa post niya.

Dagdag pa niya, “Kakausapin ko po ang mga nakasama natin sa campaign upang maipaalam sa ating Pangulo ang kahilingan ng mga ka-DDS.”

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong 8,700 shares at 2,213 comments.

Ngunit hindi naman lahat ng nagkomento ay pabor sa naging pahayag ni Mocha.

Buwelta ng isang Facebook user: “Ikaw muchacha!pero pag ikaw ang nanira ng matinong tao super! mabuti nalang hindi ka pinapansin ni VP,dahil tae ka sa kanya, ngaun umalma ka sa mga negative na binabalita nila kay Pres. digong, kung may matino kang pagiisip bakit ka umalma? ganon ka din naman manglait kay VP?PWEEEEE”

Continue reading below ↓

Sagot naman dito ni Mocha: “P.Duterte and VP leni??? Not worth comparing po”

BACKDOOR ATTACK. Samantala, sa hiwalay na post ay may mahabang mensahe si Mocha tungkol sa diumano’y ‘backdoor attack’ ng mga kalaban ni Pangulong Duterte.

May kinalaman daw ito sa paninira sa pangulo sa international scene.

Saad ni Mocha, “Mayroon akong nasagap noon na balita na ang kalaban ni Pangulong DUTERTE ay nagsisimula ng kumilos.

“Hindi ko po kaagad ito pinost dahil gusto ko po muna makasigurado dahil ayaw ko po magkalat ng tsismis o haka haka lamang.

“Nagtanong muna ako sa mga taong naka paligid sa ating Pangulo para makasigurado.

“Ngayon, sunud sunod na ang kanilang atake sa ating Pangulo.

“Ganito ang sistema ng mga kalaban. Dahil more than 90% ang approval rating ng ating Pangulo ay hindi kaya ng kalaban na siraan ang ating Pangulo dito sa sarili nating bansa.

“Kaya ang gagawin nila ay ang tinatawag na ‘BACKDOOR’ ATTACK. Yan ay ang siraan si Pangulong Duterte sa International scene.

Continue reading below ↓

“Sa madaling salita, sa ibang bansa magkakalat ng lagim ang mga kalaban.

“Palalabasin nila na masamang imahe ang ating Pangulo at ang mga nangyayari sa ating bansa.

“Habang ang LOCAL MEDIA ay patuloy na idinidiin ang EXTRAJUDICIAL KILLINGS kay P. DUTERTE ito naman ang pini-PICK UP na balita ng INTERNATIONAL MEDIA. At yan ay nagsimula na.

“At dahil dito babagsak ang negosyo o ekonomiya natin. May ilang mga negosyante na natatakot na dito sa Pilipinas dahil pinalalabas ng mga POLITIKO, SIMBAHAN at MEDIA na ang PILIPINAS ay isang MALAKING KILLING FIELD.

“Pag bumagsak ang ekonomiya ay susunod na ang pagbaba ng moral ng mga supporters ni P.Duterte.

“Isa pa sa kanilang gagawin ay aatakihin nila ang mga INFLUENCERS sa SOCIAL MEDIA para ito ay ma-discredit.

“Marami sa mga GENUINE PRO-DUTERTE PAGE ay madalas atakihin. Sa katunayan gumagawa pa sila ng mga ANTI-DUTERTE PAGE para lamang tirahin ang mga PRO-DUTERTE PAGE.

Continue reading below ↓

“Hindi ko na babanggitin kung anong mga ANTI-DUTERTE PAGES na nagsulputan para idiscredit o atakahin ang mga tulad ni Thinking Pinoy, Sass Roganda Sasot, Lapu Lapu at ilang pang PRO-DUTERTE page.

“Meron pa nga akong nabalitaan na sila ay nagha-hire pa ng mga SOCIAL MEDIA WARRIORS na kasing laki ng isang call center para lamang bantayan at ireport ang mga PRO-DUTERTE Page.”

Ayon pa kay Mocha, pati ang kanyang Facebook page ay pinupuntirya ng mga anti-Duterte.

“Meron pa nga akong nasagap na balita na may isang ANTI-DUTERTE PAGE na ginawa para lamang banatan ang aking Page.

“Sigurado ako alam niyo na yan. Hindi ko na babanggitin baka sumikat pa siya.

“Maraming nagagawang magagandang proyekto ang ating Gobyerno ngayon tulad ng mga ginagawa ng DOTr, BOC, DSWD, Tax Reform at maging Peace Talks.

“Ngunit ito ay natatabunan dahil sa kampanya ng mga kalaban ni P.Duterte. Tulad na lang ng bombings, EJK, pagmumura at kung anu ano pang mga issue.

Continue reading below ↓

“May nabalitaan din po ako na hinahanda na nila ang pampalit sa ating PANGULO. Pinababango na nila ang IMAHE nito sa iba't ibang bansa.

“ANO PO BA ANG ATING MAAARING GAWIN?? Tulad nga ng sinabi ni SEN. CAYETANO, don't underestimate the power of PRAYER.

“Totoo po yan kasi sa totoo lang nakakaawa na si Tatay Digong. Pagud na pagod na siya kakatrabaho para umayus ang bansa natin pero itong mga AMBISYOSONG POLITIKO ay hindi tumitigil sa paninira sa kanya.

“IPANALANGIN NATIN SI TATAY DIGONG at ipagpatuloy natin ang LABAN SA SOCIAL MEDIA.

“Mag bantay, mag matyag at maging aktibo sa pag-share, pag-comment, at pagpaliwanag sa ating mga kamag-anak/kaibigan lalo na yung mga nasa ibang bansa.

“Dahil mini-MISLEAD ng LOCAL MEDIA ang buong mundo kaugnay sa totoong nangyayari sa ating bansa.

“Huwag po tayong maging kampante dahil hindi kampante ang KALABAN ni P.Duterte.

“TAYO AY NASA ISANG REBOLUSYON LABAN SA OLIGARCHS, DRUG LORDS at mga AMBISYOSONG POLITIKO. Panoorin ang VIDEO.”

Continue reading below ↓

Kalakip ng post na ito ang video ng interview ni Mocha kay Senator Alan Peter Cayetano.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mocha Uson: "Nakakaawa na si Tatay Digong. Pagud na pagod na siya kakatrabaho para umayus ang bansa natin pero itong mga AMBISYOSONG POLITIKO ay hindi tumitigil sa paninira sa kanya. IPANALANGIN NATIN SI TATAY DIGONG at ipagpatuloy natin ang LABAN SA SOCIAL MEDIA."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results