Coco Martin proud of brother Ronwaldo for Pamilya Ordinaryo's recognition at 13th Venice Days

by Nikko Tuazon
Sep 10, 2016
Coco Martin is proud of his brother Ronwaldo and indie film Pamilya Ordinaryo's new recognition: "Sobrang proud ako sayo Tol at sa lahat ng bumubuo ng Pamilya Ordinaryo Congrats Drk. Edong pinabilib mo po ako sayong Pelikula iba tlga ang Pinoy!!!"

Isang proud kuya ngayon si Coco Martin dahil sa pagkilalang tinanggap ng half-brother niya na si Ronwaldo Martin at ng iba pang cast at crew ng pelikulang Pamilya Ordinaryo na idinirek ni Eduardo 'Edong' Roy Jr.

Natanggap kasi ng pelikula ang BNL Audience Choice Award sa 13th edition ng Venice Days, isang independently-run section ng 73rd Venice Film Festival na ginaganap mula August 31 hanggang September 10 sa Venice, Italy.

Sa kanyang unang Instagram post, binati ni Coco ang cast and crew ng Pamilya Ordinaryo na kinabibilangan din nina Hasmine Killip, Ferdinand Lapuz, at Direk Edong hawak ang kanilang award. Ang caption nito: "Congrats... Pamilya Ordinaryo!!!"

Congrats... Pamilya Ordinaryo!!!

A photo posted by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Sa kanyang sumunod na post, ibinahagi naman ni Coco kung gaano siya ka-proud sa kanyang kapatid. Sabi niya: "Sobrang proud ako sayo Tol at sa lahat ng bumubuo ng Pamilya Ordinaryo Congrats Drk. Edong pinabilib mo po ako sayong Pelikula iba tlga ang Pinoy!!!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang Instagram post, nagpasalamat din si Coco sa film producer at talent manager na si Ferdinand Lapus sa pagtitiwalang ibinigay nito sa kanilang magkapatid.

Si Ferdy ang nag-produce ng mga naunang award-winning films ni Coco kabilang ang Kinatay (2009) at Serbis (2008) na parehong dinirek ni Brillante Mendoza. Si Ferdy rin ang tumatayong talent manager ngayon ni Ronwaldo.

Ani Coco: "Maraming salamat sa isa sa mga taong pinagkakautangan ko ng utang na loob sa lahat ng mga biyayang nakakamit ko sa buhay ko ngayon, ang unang tao nag tiwala sa kakayanan ko at gumabay sakin, ngayon nag papasalamat muli ako sayo Ferdy Lapuz sa pag gabay mo sa kapatid ko napakalaki ng utang na loob ko sayo mahal na mahal po kita!!!"

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin is proud of his brother Ronwaldo and indie film Pamilya Ordinaryo's new recognition: "Sobrang proud ako sayo Tol at sa lahat ng bumubuo ng Pamilya Ordinaryo Congrats Drk. Edong pinabilib mo po ako sayong Pelikula iba tlga ang Pinoy!!!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results