Maritoni Fernandez's sister shot dead in Quezon City

by Nerisa Almo
Sep 11, 2016
Maritoni Fernandez's sister, Ma. Aurora Moynihan (right), was found dead at the corner of Temple Drive and Giraffe street in Barangay Ugong Norte, Quezon City. Moynihan was allegedly involved in illegal drugs, according to authorities.

Napatay ang kapatid na babae ng aktres na si Maritoni Fernandez sa pinakabagong insidente ng pagpatay kaugnay ng ilegal na droga.

Natagpuan ang mga labi ni Ma. Aurora Moynihan, 45, sa Temple Drive corner Giraffe Street sa Barangay Ugong Norte, Quezon City, kagabi, September 10.

Si Moynihan ay positibong kinilala ni Quezon City Police District director Senior Superintendent Guillermo Eleazar, ayon sa ulat ng The Philippine STAR.

Ang kapatid ni Maritoni ay pinaghihinalaang supplier ng ecstasy at iba pang party drugs sa ilang showbiz personalities.

Natagpuan sa bag ng biktima ang ilang sachets ng shabu, apat na piraso ng aluminum foil, dalawang improvised glass tooters, tatlong improvised lamps, at ilang pang personal na gamit.

Ilang witness ang nagsabi sa pulis na nakarinig sila ng limang putok ng baril mula sa isang SUV, kung saan lulan si Moynihan, bago itapon ang mga labi nito sa lugar kung saan siya natagpuan.

Matapos nito ay nagtungo sa direksiyon papuntang White Plains Avenue ang nasabing sasakyan.

Continue reading below ↓

Sa Twitter post naman ng Manila Bulletin kagabi, makikitang may nakasabit na cardboard sa bangkay ng nasawi, kung saan nakasulat ang “DRUG PUSHER ng mga Celebrities Kasunod na KAYO!”

Wala pang anumang pahayag ang pamilya ni Moynihan tungkol sa insidente.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na nais iparating ni Maritoni o ng kanyang mga kamag-anak tungkol dito.

Read Next
Read More Stories About
Maritoni Fernandez
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maritoni Fernandez's sister, Ma. Aurora Moynihan (right), was found dead at the corner of Temple Drive and Giraffe street in Barangay Ugong Norte, Quezon City. Moynihan was allegedly involved in illegal drugs, according to authorities.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results