Boy Abunda saddened by Mark Anthony Fernandez's arrest

by Melba R. Llanera
Oct 6, 2016
Boy Abunda on drug watchlist: "Para sa akin if there's a list, there should be one list that include everbody who is guilty."

Hindi ikinaila ni Boy Abunda na nalungkot siya sa pagkakadakip ni Mark Anthony Fernandez.

Matipid ang komento ng Kapamilya TV host tungkol dito nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Pahayag ni Boy, “Siyempre malungkot, but I cannot do a full discourse on drugs and show business dahil this is not the right place for this discourse.

“Pero nakakalungkot. Mark is very close to me, inaanak ko si Mark, e.”

Gayunman, nais daw niyang malaman ang buong pangyayari sa sinapit ng anak ni Alma Moreno at ng yumaong aktor na si Rudy Fernandez.

“I’d like to find out the story, nais kong malaman kung ano yung pinanggagalingan nito at ako’y nalulungkot.

“Pero ayokong nung diskusyon kasi, this much I will say...

“Ayoko kasi ng diskusyon na iba-ibang industriya dito, may drug pushers and addicts.”

Matatandaang nahulihan diumano si Mark Anthony ng tinatayang isang kilong marijuana sa isang checkpoint sa Angeles, Pampanga, noong gabi ng Lunes, October 3.

Continue reading below ↓

Agad naman itong itinanggi ng 37-year-old actor.

Aniya, wala siyang dalang illegal drug nang mahuli ng mga pulis.

Pero inamin niyang gumagamit siya ng marijuana para maiwasan daw ang pagkakaroon ng sakit na cancer, na siyang ikinamatay ng kanyang ama.

Read: Mark Anthony Fernandez denies possession of marijuana when he was arrested

Continue reading below ↓
Recommended Videos

CELEBRITY DRUG WATCH LIST. Samantala, kinuha rin ng PEP ang opinyon ng TV host-talent manager tungkol sa isyu ng pagpapalabas ng pangalan ng celebrities na kasama sa listahan ng diumano'y sangkot sa ilegal na droga.

Sabi ni Boy, “Para sa akin, if there’s a list, there should be one list that include everybody who is guilty.

“They should be given due process.

“Pero yung ihihiwalay halimbawa yung mga artista, ihihiwalay yung mga doktor, mas gusto ko yung isa lang.”

Bagamat naiintindihan niya ang opinyon noon ni Robin Padilla tungkol sa isyung ito, mas gusto raw ni Boy na maging patas ang batas para sa lahat.

Continue reading below ↓

Read: Robin Padilla not in favor of publicly naming showbiz personalities involved in drugs

“Naiintindihan ko si Binoe where he is coming from, 'yan po ay iginagalang po natin yun. I know where he is coming from.

“I’m not saying yung public shaming is not something that I agree with, I’m not saying that.

“Ang sa akin, kung nagpapangalan ng tao, artista man o hindi, dapat nagpapangalan.

“Kung may pinapangalanan, walang eksempsyon because what makes the difference between movie stars and police generals?

“All of them have families, all of them have reputations to protect.”

Diin pa ni Boy, “I am not saying that it is right.

“It’s something na sa palagay ko dapat pag-aralan.

“Ito ay akin ha, sa aking opinion, I’m not sure about my position in so far public naming is concern, pero patas dapat.

“Ang tao, tao, kahit anuman ang kanyang trabaho.”

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Boy Abunda on drug watchlist: "Para sa akin if there's a list, there should be one list that include everbody who is guilty."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results