President Rodrigo Duterte reveals reason for skipping Kris Aquino interview

by Arniel C. Serato
Nov 14, 2016
Lumalabas na walang migraine si Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, November 11. May importanteng trabaho pala itong inasikaso kaya hindi ito nakadalo sa Go Negosyo forum kung saan nakatakda sana siyang kapanayamin ni Kris Aquino.

Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit hindi siya nakadalo sa National Micro, Small and Medium Enterprises Summit 2016 ng Go Negosyo, sa Davao City, noong Biyernes, November 11.

Noong araw ring iyon dapat magaganap ang interview ni Kris Aquino sa Pangulo dahil ang Queen of All Media ang moderator ng nasabing pagtitipon.

Madaling-araw ng Biyernes na dumating si Pangulong Duterte mula sa dalawang araw na state visit sa Malaysia.

Kinahapunan ay dadalo siya dapat sa Go Negosyo forum, na nakatakdang magsimula sana ng 4:30 ng hapon.

Ngunit naantala ito dahil hindi pa dumarating ang pangulo.

Hanggang sa inanunsiyo ni Go Negosyo organizer na si Joey Concepcion na hindi na makakasipot si Pangulong Duterte dahil may migraine daw ito.

Read: President Duterte snubs one-on-one interview with Kris Aquino

Ngunit kinagabihan ay dumalo ang Pangulo sa launching ng Pilipinong May Puso Foundation Inc., isang foundation na nagbibigay-pugay sa mga makataong pagtulong ng kanyang namayapang ina.

Continue reading below ↓

Ngunit late na ring nakarating ang Pangulo sa nasabing pagtitipon, bandang 9 P.M., na ginanap sa Waterfront Insular Hotel Davao.

Paliwanag niya, base sa ulat ng TV Patrol ng ABS-CBN ngayong gabi, November 14, “I’m very, very late because I had to go to a place where we had a very hard time negotiating pababa.

"It was raining very hard in the mountains and you could just not make it on time, so my apologies to you all for indulging me.”

Bukod dito, pumunta pa ang pangulo sa lamay ng kaibigan na si dating Judge Adoracion Avisado bandang alas-tres ng madaling-araw.

Samantala, sinabi naman ni Joey Concepcion na sa susunod na forum ay sigurado nang dadalo si Pangulong Duterte.

Pero biro ni Kris, ayon sa report, “Ako naman ang hindi dadating.

“It’s a joke!” sabay pakawala ng malutong na halakhak.

Matatandaang tinawag ni Kris na "epic snub" ang hindi pagsipot ni Pangulong Duterte sa dapat sana'y one-on-one interview nila.

Continue reading below ↓

Read: Kris Aquino calls Duterte no-show an "epic snub"

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lumalabas na walang migraine si Pangulong Rodrigo Duterte noong Biyernes, November 11. May importanteng trabaho pala itong inasikaso kaya hindi ito nakadalo sa Go Negosyo forum kung saan nakatakda sana siyang kapanayamin ni Kris Aquino.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results