Mercedes Cabral emotional over bashing after controversial Facebook post

by James Patrick Anarcon
Dec 10, 2016
Mercedes Cabral on the bashing that she got: "Mas affected ako doon sa kapag tinitira na, siyempre, pamilya ko. Doon lang ako naano, iwan mo sila, kasi labas sila dito, e. So, bakit niyo pagsasabihan ng ganyan magulang ko? May problema kayo sa akin, so, okay, sige, tirahin niyo ako nang tirahin."

Naiyak ang veteran indie actress na si Mercedes Cabral habang ikinukuwento ang masasakit na batikos na kanyang natanggap matapos ang controversial Facebook post niya kamakailan.

Sa nasabing Facebook post ay nakapagbitiw siya ng hindi magagandang salita laban sa Regal matriarch na si Lily Monteverde, dahil sa opinyon ng film producer na hindi akma ang pagpapalabas ng independent films sa Metro Manila Film Festival (MMFF) o tuwing Kapaskuhan.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters sa pocket presscon ng MMFF 2016 entry na Oro kahapon, December 9, hindi napigilan ni Mercedes na mapaluha nang matanong tungkol sa pamba-bash na natanggap niya sa ilang netizens.

“Well, oo, kasi nga masakit.

"Nagiging personal siya, e, na nakakaapekto.

"Like, I know yung magiging effect niya sa trabaho ko, masisiraan ako.

“Pero andun yung may mga tao din kasi na nagpapasalamat ako, kasi nasa likod ko pa rin na, ‘We’re here, alam ko, ganyan lang personality mo.’

Continue reading below ↓

"So, ang sa akin, mas nagkaroon ako ng effect doon sa effect niya sa parents ko na parang, ‘Pinalaki niyo ba nang ganyan, na masyadong disrespectful?’ So, that’s it."

Patuloy ng aktres, "Mas affected ako doon sa kapag tinitira na, siyempre, pamilya ko.

"Doon lang ako naano, iwan mo sila, kasi labas sila dito, e.

"So, bakit niyo pagsasabihan ng ganyan magulang ko?

"May problema kayo sa akin, so, okay, sige, tirahin niyo ako nang tirahin."

Himutok ni Mercedes, "Kung sinabi nila na naging disrespectful ako because of the cuss words, paano itong mga taong ito na naging disrespectful din sa akin?

"As in sobrang bastos yung ginagawa talaga sa akin.

"May mga nababasa ako na mga lumalabas na, alam mo yun, binabalik yung... basta kung anong mga pambabastos yung ginagawa nila na yun lang, even in the issue.

“So, ang sa akin lang siguro, andun lang kasi yung very passionate din ako na bilang actor, bilang filmmaker.

Continue reading below ↓

"You have all the power, you have all the voice to give these people.

“Like, yun yung isa sa priority, e, na ginagawa din ng filmmaker.

"Just give voice to the people who can’t speak."

Sa parehong panayam, humingi ng tawad si Mercedes kay Mother Lily dahil sa pagmumura nito sa kanyang post.

Read: Mercedes Cabral apologizes to Mother Lily for cursing at her

Isa si Mercedes sa mga bida ng 42nd Metro Manila Film Festival entry na Oro; kasama sina Irma Adlawan, Joem Bascon, at Biboy Ramirez.

Samantala, ang pelikula naman ni Mother Lily na Mano Po 7: Chinoy ay hindi pinalad na makapasok sa Magic 8.

PROMO FOR ORO. Ayon kay Mercedes, kaya ngayon lang siya nagsalita tungkol sa isyu ay dahil na rin sa abiso ng manager niyang si Shandy Bacolod.

Paliwanag niya, “Pinapag-usapan namin ng manager ko kung do I need to speak up.

Continue reading below ↓

“Sinabi niya sa 'kin na huwag na muna kasi mainit pa masyado, which is understandable.”

Ang ikinalulungkot lang daw ni Mercedes ay iniisip ng iba na para lang daw sa promo ng Oro ang pagpu-post niya.

“Tapos nakaka-offend din yung sinasabi na ginagamit daw as promotional for Oro.

"Parang sa akin, hindi, e. Nagkataon lang na nagkasabay, kasi nga nabasa ko lang and then nag-react lang ako, that’s it.

Ano ang mga natutunan ni Mercedes sa pangyayaring ito?

Sagot niya, “Kailangan ko piliin kung meron man akong galit or inis na I have to let it out.

"I should choose, like, what words I should pick or kung ano man yung dapat kong gamitin na salita para lang na mailabas ko.

“Sinabihan din ako ng manager ko na, next time, maybe I should choose what I say.

"Kasi nga, of course, may mga tao nga nagpa-follow din sa akin."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Mercedes Cabral
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mercedes Cabral on the bashing that she got: "Mas affected ako doon sa kapag tinitira na, siyempre, pamilya ko. Doon lang ako naano, iwan mo sila, kasi labas sila dito, e. So, bakit niyo pagsasabihan ng ganyan magulang ko? May problema kayo sa akin, so, okay, sige, tirahin niyo ako nang tirahin."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results