Is Lovi Poe ready to admit relationship with Chris Johnson?

by Erwin Santiago
Dec 14, 2016
After months of speculations, actress Lovi Poe gives a hint at status of relationship with French guy Chris Johnson by posting a photo of them on Instagram with a meaningful caption.

Pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon, nagpahiwatig na si Lovi Poe tungkol sa tunay ugnayan nila ng Frenchman na si Chris Johnson.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ngayong Miyerkules ng gabi, December 14, ipinaalam ng Kapuso actress na puno ng ngiti ang kanyang Kapaskuhan dahil kay Chris.

Kalakip ng larawan nilang magkaharap, habang nasa likuran nila ang isang malaking Christmas tree, ito ang caption na inilagay ni Lovi: "All smiles because Chris... tsmas is here."

All smiles because Chris... tmas is here.????????????

A photo posted by Lourdes Virginia M. Poe (@poevirginia) on

Isa sa mga nagkomento sa post na ito ni Lovi ay ang kaibigan niyang si Isabelle Daza.

Makahulugang komento ni Isabelle: "LAUNCHING!!!"

Interestingly, si Isabelle ay ikinasal kamakailan sa French businessman na si Adrien Semblat sa Tuscany, Italy.

Kalagitnaan ng taong kasalukuyan nang unang mapabalita ang pagkakaroon ng French suitor ni Lovi, ilang buwan matapos kumpirmahin ng aktres na break na sila ng Kapuso actor na si Rocco Nacino.

Ngunit sa mga panayam ng entertainment press kay Lovi ay hindi niya tuwirang sinasabi kung ano ang estado ng kanilang relasyon ni Chris.

Continue reading below ↓

Ito ay sa kabila ng pagpu-post niya ng mga larawan nilang magkasama sa Instagram.

Read: Lovi Poe clarifies relationship status with a French guy: "I enjoy his company."

Ngayon ay tila handa na ang Kapuso actress na ipaalam sa publiko ang namamagitan sa kanila ni Chris.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After months of speculations, actress Lovi Poe gives a hint at status of relationship with French guy Chris Johnson by posting a photo of them on Instagram with a meaningful caption.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results