Paolo Ballesteros will still prioritize Eat Bulaga! despite film offers

by Bernie V. Franco
Jan 13, 2017
Paolo Ballesteros confirms he has received a number of film offers following the success of his recent film, Die Beautiful. However, the actor stressed that Eat Bulaga remains his priority over other projects. 

Kinumpirma ni Paolo Ballesteros na marami siyang nakalinyang film projects matapos ang tagumpay ng Die Beautiful.

Ang Die Beautiful ay naging official entry sa 2016 Metro Manila Film Festival (MMFF) at nagbigay kay Paolo ng Best Actor awards, sa loob at labas ng bansa.

Sa panayam niya sa CNN Philippines ngayong Biyernes ng umaga, January 12, tinanong ang actor-TV host kung ano pa ang mga gusto niyang gawin.

Sagot ni Paolo, “Gusto ko talagang mag-perform, gusto ko like sa mga musicals, ganyan.

“Gusto kong maging newscaster, baka di ako paniwalaan.”

Pero diin niya, “Basta gusto ko yung kumakanta.

“Ang dami ko pang gustong ibigay, so I hope magkaroon pa ng ibang projects for that.

“But siyempre, ang priority ko is Eat Bulaga.

“Marami ding movies na naka-lineup, but like what I told them, priority ko is Eat Bulaga.

“So, kailangan work our way around that.”

Nakapili na rin daw siya ng susunod niyang film project, ngunit hindi siya nagdetalye tungkol dito.

Continue reading below ↓

Tinanong din si Paolo kung sa tingin ba niya ay lalo siyang nakilala dahil sa kanyang pagganap bilang Trisha sa Die Beautiful.

Tugon niya, “Ewan ko, siguro. Pero I guess [so].

“Maraming nakakakilala dun sa character, e, Trisha... laging tinatawag, Trisha.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Ballesteros confirms he has received a number of film offers following the success of his recent film, Die Beautiful. However, the actor stressed that Eat Bulaga remains his priority over other projects. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results