Claudine Barretto calls Raymart Santiago "deadbeat dad"

by Arniel C. Serato
Jan 20, 2017
Muli na namang naghayag ng kanyang galit si Claudine Barretto sa estranged husband na si Raymart Santiago. Kasalukuyan raw nasa ospital ang anak niyang si Santino, pero wala man lamang daw tawag si Raymart upang kumustahin ang kalagayan ng kanilang anak.

Dalawang araw nang naka-confine sa ospital ang bunsong anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Santino.

Sa post ni Claudine noong Miyerkules, January 18, nanawagan siya sa kanyang mga tagahanga na ipagdasal ang mabilis na paggaling ng anak.

Ayon pa kay Claudine, binantayan si Santino sa ospital ng kanyang lolo na si Miguel Barretto at uncle na si Mito Barretto kahapon, January 19.

Ngunit tila may patutsada ang aktres sa kanyang estranged husband at ama ni Santino, bagamit hindi niya direktang binanggit ang pangalan ni Raymart.

Kapansin-pansin ang paggamit ni Claudine ng hashtag na "#deadbeatdad" sa hulihan ng kanyang caption:

“Thank u Lord for the wonderful Men our life. @mitobarretto @miguelbarretto no need for #deadbeatdad.”

Ayon sa dictionary.com, ang ibig sabihin ng deadbeat dad ay: "a father who neglects his responsibilities as a parent, esp. one who does not pay child support to his estranged wife."

Sa comment section, may ilang supporters ang aktres na sumang-ayon sa kanyang pagtawag kay Raymart na "deadbeat dad."

Continue reading below ↓



Continue reading below ↓


Mensahe pa ni Claudine para sa lahat at para na rin kay Raymart:

"Thank u for all your concern & advice. its just really Hurtful when you try your best to co parent & d nagko-cooperate.

"Its not the SUPPORT that hurts me but the fact that he saw all Viber messages & contacted his Lawyer.

Continue reading below ↓

"We had an agreement that if any of us leaves for out of town or country we need to let each other know in case of emergencies like this.

"Ano ba naman ang TUMAWAG, di ba? Check on your kids. Be responsible. Yun lang!

"He knows Saint is in the hospital pero wala. Sad for my son."


Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Muli na namang naghayag ng kanyang galit si Claudine Barretto sa estranged husband na si Raymart Santiago. Kasalukuyan raw nasa ospital ang anak niyang si Santino, pero wala man lamang daw tawag si Raymart upang kumustahin ang kalagayan ng kanilang anak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results