Ngayong Sabado, tatlong bagong tauhan ang makikigulo sa buhay ng Powers Family sa GMA sitcom na Kaya Ng Powers—Ito'y sina Ynna Asistio bilang Siena, Jay Perillo bilang Jun at Mike Tan bilang Ricky.
GUSTIN'S GIRLFRIEND. Sa pamba-bad influence ng mga classmate ni Gustin (Elmo Magalona), magkakaroon ng girlfriend si Gustin—si Siena (Ynna Asistio). Ang hindi niya alam, pakawala lang pala ito ni Donald (Bearwin Meily) para mag-spy sa Powers family.
Magtatagumpay na sana si Siena pero mabubuko ni Doc Powers (Joey Marquez) ang mga masasamang balak nito. Maha-heartbroken si Gustin nang malaman niya ang tunay na intensyon ni Siena—ang matutunton ni Donald ang Powers Family.
ALMOST MODEL. Samantala, matutupad na sana ang pangarap ni Hillary (Rhian Ramos) para maging isang model. Pero laging humahadlang ang kanyang mga responsibilidad bilang isang superhero na tuparin niya ang ang kanyang pangarap.
During the fashion designer session, may nalunod na babae at sinagip ito ni Hillary, ending hindi sya natuloy sa pagmomodel, umuwing putikan si Hillary.
Mapapanood ang Kaya ng Powers tuwing Sabado pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa GMA.
CLICK HERE to see still photos from this Saturday's episode.