Jake Ejercito, Andi Eigenmann in a Twitter war again?

by Bernie V. Franco
Apr 1, 2017
Did ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito engage in another Twitter fight?

Nagpasaringan na naman ba sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito via Twitter?

Naging makahulugan ang mga tweet ng dating magkasintahan ngayong Sabado, April 1.

Bago ito, nag-guest muna si Andi sa Tonight With Boy Abunda nitong Biyernes, March 31, at sinabi ni Andi na hindi masamang tao si Jake.

Aniya, hindi sila magkaibigan ni Jake subalit bukas siya sa posibilidad na makipagbati at magkausap para sa kapakanan ng kanilang anak, si Ellie.

“And I can say that he's not a bad person. I'm never going to speak ill of him because we've all had our mistakes,” pahayag ni Andi tungkol kay Jake.

STORIES WE ARE TRACKING

TWEET WAR AGAIN? Unang nag-tweet si Jake kaninang hapon at kung pagbabasehan ang tweet, tila may pinapatamaan siyang tao dahil hindi niya nagustuhan ang mga lumabas sa bibig nito.

“It's a bummer how, after all this time, you still crap out of your mouth,” makahulugang tweet ni Jake.

Continue reading below ↓

Ngayong gabi, dalawang makahulugang tweet ang ginawa ni Andi at hindi man niya pinangalanan, tila patama ito kay Jake dahil binanggit niya sa tweet na dati niyang minahal ang taong ito at tinukoy ang kanilang anak.

Unang tweet ni Andi: “Pls ask urself 1st if this is really for the wellbeing of ur child or just for ur ego? Just quit it man.”

Sa sumunod na tweet, sinabi nitong nasaktan siya noon pero tapos na iyon at ngayon ay hinahangad niya ang ang makakabuti kay Jake at sa kanilang anak.

Matatandaang noong August 2016, nagkaroon din ang awayan sina Andi at Jake sa Twitter at nagkaroon ng palitan ng maaanghang na akusasyon.

Read: Ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito exchange tirades on Twitter

Read Next
Read More Stories About
jake ejercito andi eigenmann
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did ex-couple Andi Eigenmann and Jake Ejercito engage in another Twitter fight?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results