Arron Villaflor clarifies relationship with Dawn Chang; gets emotional talking about his mom

by Glen Sibonga
Apr 6, 2017
This mama's boy says he is still single and his greatest love is his mom. So, how does Dawn Chang figure in his life? "Masasabi kong isa siyang special friend para sa akin. Mabait po si Dawn. Napakasarap niyang katrabaho at totoo siyang tao, iyon din yung nagustuhan ko sa kanya," Arron Villaflor reveals.

Magkaibigan lang daw ang status ng relationship nina Arron Villaflor at Dawn Chang, ayon mismo sa The Greatest Love actor.

Sabi niya, “Ang dami po kasi ang nagtatanong, ‘Kumusta na kayo ni Dawn? Kayo na ba ni Dawn?’

“Eto, to be honest, magkaibigan po kami ni Dawn.”

Walang love?

“Siyempre meron as a friend, kasi nag-share na rin siya ng personal sa akin.

“Ganun din ako sa kanya, kaya masasabi kong isa siyang special friend para sa akin.”

Nagsimulang ma-link sina Arron at Dawn nang magkasama sila bilang hosts ng isang segment sa Umagang Kay Ganda.

Madalas din kasi silang tuksuhin ng kanilang co-hosts sa show.

Sabi ni Arron, “Oo nga po, e, pero bukod doon, mabait po si Dawn.

“Napakasarap niyang katrabaho at totoo siyang tao, iyon din yung nagustuhan ko sa kanya.”

May partner ba siyang iba ngayon?

“Wala nga po, e, single po ako,” sagot niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Arron sa ginanap na thanksgiving at finale presscon ng The Greatest Love nitong Linggo, April 2, sa 9501 restaurant sa ABS-CBN compound.

Continue reading below ↓

Nakatakdang ipalabas ang finale episode ng Kapamilya afternoon teleserye sa April 21.

MOTHER’S HEALTH CONDITION. Wala ngang love life si Arron kaya ang priority niya ngayon ay ang kanyang career at pamilya.

Masasabi niya raw na ang kanyang ina ang talagang greatest love niya.

Kaya hindi niya napigilang maging emosyonal nang ibahagi ang pinagdaanang kundisyon sa kalusugan ng kanyang ina.

Saad ni Aaron “Okay na si Mama, naoperahan po si Mama ko.

“Tinanggalan siya ng lymph node near the breast para hindi maging cause ng cancer.

“Thanks to my The Greatest Love family dahil ipinagdasal ang nanay ko.

“Mama’s boy din ako kaya… parang bago pa ako magsalita, naiiyak na ako doon sa sasabihin ko kasi parang hindi ko kaya.

“Close ako sa nanay ko, totoo rin yung hindi ako sanay mag-'I love you' sa parents ko dati.

“Pero lagi na akong nag-a-'I love you' sa kanila… natutunan kong mas mahalin ang nanay ko. Ilang taon na siya, e.

Continue reading below ↓

“Parang minsan, pag nagbibilang ako, parang ilang years na lang,” saglit na napahinto si Arron at biglang napaluha.


Nang makahinga ay saka lang siya nakapagsalita, “Ako, 26 turning 27 na ako, ilang years na lang to spend time with my parents.

“Not all the time bata ako, I have to grow up and I have to know my responsibilities, yun ang lagi kong iniisip.

Continue reading below ↓

“Konting taon na lang, any time mawawala yung parents mo sa tabi mo at, in the future, magiging parent ka rin.

“Yung pagmamahal sa anak mo, gusto mo makuha mo rin yun pag naging magulang ka na rin.

“So ngayon, ibinibigay ko ang lahat ng oras ko sa family ko, especially sa parents ko.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This mama's boy says he is still single and his greatest love is his mom. So, how does Dawn Chang figure in his life? "Masasabi kong isa siyang special friend para sa akin. Mabait po si Dawn. Napakasarap niyang katrabaho at totoo siyang tao, iyon din yung nagustuhan ko sa kanya," Arron Villaflor reveals.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results