PEP EXCLUSIVE. Andi Eigenmann on Jake Ejercito and his family: "Basura lang tingin nila sa akin."

by Arniel C. Serato
Apr 21, 2017
Ibinunyag ni Andi Eigenmann na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagbibigay ng financial support si Jake Ejercito para sa kanilang anak na si Ellie. Kaya raw kayod-kalabaw siya para sa panggastos ng anak. 

Sunud-sunod na naman ang Twitter posts ni Andi Eigenmann sa Twitter matapos lumabas ang pinakabagong panayam ni Jake Ejercito dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes, April 21.

Hindi man nagbanggit ng pangalan si Andi, malinaw na ang pinatutungkulan niya sa kanyang tweets ay si Jake.

Si Jake ang dati niyang nobyo at ama ng kanyang anak na si Ellie.

Tungkol pa rin ito sa joint custody petition na inihain ni Jake sa korte para maging legal ang visitation rights niya sa anak nila ni Andi.

Narito ang sunud-sunod na Twitter posts ng Kapamilya actress ngayong araw:

NOT ANGRY AT JAKE. Upang linawin ang panibago niyang tweets, kinontak ng PEP si Andi sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram.

Dito ay sinabi ng aktres na hindi siya galit kay Jake, kundi napapagod lang daw siya.

Pahayag ni Andi, “Hindi po ako galit kay Jake. And wala naman pong bago.

Continue reading below ↓

“Sobrang napapagod lang po talaga ako kasi di ko po makita kung bakit kailangan lahat idaan sa pera.

“Naniniwala po ako na kung di mataas ang tingin nila sa sarili nila at matuto silang makipag-usap, dapat hindi po lalala ng ganito kalaki.

“Sinisisi po nila ako na ako ang may kasalanan kung bakit kailangan kong gumastos ng malaki para sa lawyer na lalaban sa kanilang lawyer, about sa isang bagay na I also agree on anyway.”

Ang tinutukoy ni Andi ay ang pagkuha niya ng abugado upang masagot ng kanilang kampo ang inihaing petition for joint custody ni Jake para sa kanilang anak.

Dagdag pa niya, “If there was ever a time that I didn’t want joint custody, it was in the PAST, when I was in love with him and in pain, and said things out of impulse.

“But now that I have no feelings at all for him whatsoever, and living a good life without him, I’m only thinking of the well-being of my daughter.

Continue reading below ↓

“And I believe that having him be a part of it, would be great for my child.”

May bago nang karelasyon ang The Greatest Love star sa katauhan ng model na si Emilio Arambulo, pero hindi raw niya hahayaang maging hadlang ito upang magampanan ni Jake ang pagiging totoong ama kay Ellie.

“I wouldn’t want him to ever feel like his place is being taken over by someone else.

“In fact, that’s why I never post photos on IG with me and my boyfriend with Ellie, because I actually take his feelings to account, even though he never did mine,” sabi ni Andi.

STORIES WE ARE TRACKING

NO FINANCIAL SUPPORT. Sa pakikipag-usap ng PEP kay Andi, ibinunyag nitong kahit alam na ni Jake na siya ang totoong ama ni Ellie ay hindi pa rin daw ito nagbibigay ng financial support sa kanilang anak.

“I want them to know how much of a struggle it is, to be supporting my child by myself.

Continue reading below ↓

"I just enrolled her at school and the fee is no joke.

“I’ve been thinking twice about pursuing my career in showbiz because it's time consuming and I, too, would want to fulfill my duties as a mom by being there.

“But if I let my job go, I would have nothing to feed her. So, paano?"

Sabi pa ni Andi, "Yung career ko na sinisira niya by pulling me down since day 1 is what feeds my child and provides her shelter, and he thinks that doing this to me would be good for my child?

“I just really want my message to get to them.”

Tanong ulit namin: Hindi ba nagbibigay si Jake kahit pang-tuition man lang?

Diretsong sagot ni Andi, “None.”

Dagdag niya, “Kung nahihiram po si Ellie siguro naman po [nagastos sila]. Pero pag nasa kanila lang po.”

Kaya raw ikinainis ni Andi na naghain pa ito ng petisyon sa korte dahil nagagastusan lamang siya.

Continue reading below ↓

Sabi niya, “Sir, payag po ako sa joint custody ever since. Walang nakikipag-argue sa kanila.

“That’s why ang siraan po ako at sampahan ng kaso is so uncalled for. Kaya po ako napu-frustrate at nasasaktan.

“Papagastusin pa ako ng pera para dito sa bagay na ‘to. Di naman ako mayaman tulad nila.”

Ngunit ayon kay Andi, wala siyang hinihinging suporta mula kay Jake at sa pamilya nito.

“I can’t ask them for anything.”

“BASURA LANG TINGIN NILA SA AKIN.” Makahulugan naman ang kasunod na sinabi ni Andi.

“Yung nanay po ni Jake at si Jake, basura lang naman ang tingin sa 'kin.”

Ang ina ni Jake ay ang dating aktres na si Laarni Enriquez.

Dagdag pa ni Andi, “No. They don’t like me, they don’t treat me with respect because of whatever lies Jake said to his family.

“Di po ako nagju-joke ‘pag sinabi kong basura lang tingin nila sa akin.”

Continue reading below ↓

Sa huling bahagi ng aming panayam, tinanong namin si Andi kung ano ang gusto niyang mangyari sa ngayon.

Sagot niya, “For them to be better people and prove they have hearts.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibinunyag ni Andi Eigenmann na hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagbibigay ng financial support si Jake Ejercito para sa kanilang anak na si Ellie. Kaya raw kayod-kalabaw siya para sa panggastos ng anak. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results