Pokwang asks netizens to spare Senator Tito Sotto's children and grandchildren

by Nerisa Almo
May 4, 2017
Pokwang on Senator Tito Sotto's joke about single mothers: "Ang pagkakamali ng isang ama ay hindi naman po pwedeng pagkakamali din ng anak."

Bagamat mariing binatikos ni Pokwang ang “na-ano lang” na biro ni Senator Tito Sotto sa single parent na si DSWD Secretary Judy Taguiwalo, nakiusap ang komedyana na huwag nang idamay pa ang mga anak at apo ng senador.

STORIES WE ARE TRACKING

Idinaan ni Pokwang ang pakiusap sa netizens sa kanyang Twitter account ngayong Huwebes, May 4.

Aniya, “Ang pagkakamali ng isang ama ay hindi naman po pwedeng pagkakamali din ng anak, wag na idamay ang anak at apo please...Ok na peace na."

STORIES WE ARE TRACKING

Dahil sa pagbibirong ito ng senador, maraming netizens na nagalit ang walang patumanggang nagko-comment sa social media account ng bunso niyang anak na si Ciara Sotto.

Si Ciara ay hiwalay sa asawa at tumatayong single parent.

Nauna nang nakiusap si Danica Sotto-Pingris sa netizens na huwag nang idamay si Ciara at ang anak nito sa galit nila sa senador.

Sabi ni Danica sa Instagram, “May mga nasaktan man pero unfair na idamay niyo siya pati ang pamangkin ko.”

Paalala pa ni Danica sa netizens na tinitira rin si Ciara: “Respect ang gusto niyo diba po? Pls also show her some respect.”

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Samantala, humingi na ng paumanhin si Sotto sa naging komento niya, na tinawag niyang karaniwang biruan sa kalsada.

Sabi pa niya, hindi naman patungkol kay Taguiwalo ang kanyang biro.

Sabi ni Senador Sotto sa text message na ipinadala niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kanina: “My comment was a comic description in street language and not intended for the nominee.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Pokwang, Tito Sotto
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pokwang on Senator Tito Sotto's joke about single mothers: "Ang pagkakamali ng isang ama ay hindi naman po pwedeng pagkakamali din ng anak."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results