Iza Calzado on being unconventional: "I make no apology for the woman that I am."

by Rose Garcia
May 5, 2017
Iza Calzado makes no bones that her nude scene in her new movie, Bliss, is being talked about. "Wala rin naman akong sinasaktan in the process," she shrugs.  

Usap-usapan ang frontal nudity na ginawa ni Iza Calzado sa pelikulang Bliss.

Base sa kanyang pahayag, masasabing liberal ang pag-iisip ng Kapamilya actress sa mga ganitong bagay.

Ayon kay Iza, “I’d like to think I’m not the normal woman talaga.

“A lot of women I know wanted to get married by thirty or to have babies, I’m not like that.

“I’m a bit of unconventional woman, but I like being that.

"And I make no apology for the woman that I am.

“And wala rin naman akong sinasaktan in the process, so yun…”

Ang karakter ni Iza sa pelikulang idinirek ni Jerrold Tarog ay isang sikat na artista na nagsimula sa pagiging child star. Ipinakita rin dito kung paano siya na-abuse.

Hindi naman daw maikukumpara o maire-relate ni Iza ang kanyang buhay sa karakter na ginampanan niya.

Continue reading below ↓

“Iba naman ang pinagdaanan ni Jane. I wasn’t artista when I was young, totally different movie yun.

“At saka nag-umpisa naman ako, nineteen na; si Jane, ten or twelve,” saad niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Iza sa press screening ng Bliss last week.

LONG HOURS. Hindi nga raw maihahambing ni Iza sa sarili ang karakter niya sa pelikulang ito, lalo na sa parte ng pang-aabuso sa kanyang pag-aartista.

Maliban na lang marahil kung yung haba ng oras nila sa trabaho ang pag-uusapan.

Pero may sariling pananaw si Iza tungkol dito.

Saad niya, “When you think about the times that you don’t have job and life is really tough, it’s really more of compromise.

“Alam ko naman, mapapahinga ako pagkatapos nito, e.

“Blessing pa rin ang trabaho, at the same time mangangarap ka rin.

“Tulad nito, nangarap ako noong 9 A.M. natatapos, pack up the next day on a regular basis.

Continue reading below ↓

“Nangarap ako na magtu-two A.M., that was a dream.

“And I keep dreaming na, one day, hanggang twelve midnight na lang ang lahat.”

Read Next
Read More Stories About
Iza Calzado
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado makes no bones that her nude scene in her new movie, Bliss, is being talked about. "Wala rin naman akong sinasaktan in the process," she shrugs.  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results