DSWD Secretary Judy Taguiwalo accepts Senator Tito Sotto's apology

by Arniel C. Serato
May 5, 2017
Kahit pinatawad na ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo si Senator Tito Sotto dahil sa "na-ano lang" joke nito, hindi raw ito nangangahulugang hahahayaan na niya ang anumang klase ng diskriminasyon sa mga kababaihan. 

Pinatawad na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo si Senator Tito Sotto sa “na-ano lang” joke nito.

Pahayag ni Taguiwalo sa panayam ng ilang media sa airport, kung saan sinalubong niya ang Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia kahapon, May 4, “I said my piece yesterday. I explained that, you know… where my position is.

"And malinaw naman iyon, and the senator apologized publicly.

“So, I think, for me, that's enough."

Sa isinagawang hearing ng Commission of Appointments sa Senado noong Miyerkules, Mayo 3, nagbiro si Sotto na ang salitang kalye raw para sa mga babaeng single parent, kagaya ni Taguiwalo, ay "na-ano lang."

Ngunit hindi naman nagpakita ng pagkainis si Taguiwalo sa naging tugon niya sa biro ng senador.

Aniya, “Okay, Senator Sotto, I teach women's studies, so we respect all kinds families, and that includes solo parents, thank you.”

STORIES WE ARE TRACKING

DOESN'T TOLERATE MISOGYNY. Sa kanyang Twitter account, ipinaliwanag ni Secretary Taguiwalo na kahit pinatawad na niya si Senator Sotto, hindi ito nangangahulugang pinapayagan na niya ang ganitong diskriminasyon laban sa kababaihan.

Continue reading below ↓

Gayunpaman, nagpasalamat pa rin si Taguiwalo sa mambabatas sa pagsuporta nito sa confirmation hearing niya sa susunod na linggo.

Read Next
Read More Stories About
Tito Sotto, Senator Tito Sotto
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit pinatawad na ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo si Senator Tito Sotto dahil sa "na-ano lang" joke nito, hindi raw ito nangangahulugang hahahayaan na niya ang anumang klase ng diskriminasyon sa mga kababaihan. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results