Mocha Uson responds to Mariel de Leon's tweets

by Arniel C. Serato
May 11, 2017
Nag-tweet ngayong Huwebes, May 11, si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon kung saan sinabi niyang tapos na ang isyu sa kanila ni Mocha Uson. Ngunit pagkatapos ng isang oras, binura kaagad ito ng beauty queen. 

Tinapos na ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon ang isyu sa kanila ni Mocha Uson.

Ito ay matapos sumagot ang bagong talagang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) sa tweets ng bagong beauty queen.

Nagsimula ang isyu sa pagitan nina Mariel aty Mocha nang kuwestyunin ng beauty queen ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Mocha sa PCOO.

Sabi ni Mariel sa kanyang naunang tweet: "Biased and disrespectful. She insults those who are against her. I'm not for her, I'm not for the other side (whatever that may be)."

Dagdag niya, "I love my country so it breaks my heart to know someone like her got a position in the govt."

Samu’t saring batikos ang natanggap ni Mariel mula sa netizens dahil dito.

Dumating na sa puntong naging personal na ang atake ng bashers sa anak nina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

STORIES WE ARE TRACKING

Ngunit hindi na ulit sumagot si Mariel sa mga ito.

Continue reading below ↓

Ang kanyang kapwa-beauty queen na si Bb. Pilipinas-Intercontinental 2017 Katarina Rodriguez ay nagtanggol kay Mariel mula sa kaliwa’t kanang batikos.

Ayon kay Katarina, lahat tayo ay may karapatang magpahayag ng opinyon, lalo na pagdating sa usapin ng relihiyon at pulitika.

Pero kung wala ka naman daw magandang sasabihin, mas mabuti na lamang na manahimik.

CORDIAL. Nakarating na kay Mocha ang mga naging pahayag ni Mariel tungkol sa kanyang appointment.

Mensahe ng presidential appointee, “Sorry po Bb. Pilipinas. I’ll take note po of your tweets at pagbubutihin ko po para sa bayan at para sayo po.”

Continue reading below ↓

Ngayong Huwebes, May 11, nag-tweet naman si Mariel tungkol sa mga sinabi ni Mocha.

Aniya, maaari naman palang magpalitan ng opinyon na hindi kailangang nag-aaway-away.

Tinapos na rin niya ang isyu sa pagitan nilang dalawa.

Sabi ni Mariel sa kanyang tweet, “It proves that we can accept each other's opinions & differences and still let peace, democracy, and love for country prevail. It is done.”


Continue reading below ↓

Ngunit pagkatapos lamang ng isang oras, binura na ni Mariel ang nasabing tweet.

Read Next
Read More Stories About
Mariel de Leon
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-tweet ngayong Huwebes, May 11, si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon kung saan sinabi niyang tapos na ang isyu sa kanila ni Mocha Uson. Ngunit pagkatapos ng isang oras, binura kaagad ito ng beauty queen. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results