Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon apologizes; wishes Mocha Uson success in her new job

by Arniel C. Serato
May 12, 2017
Tinuldukan na ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon ang isyu sa pagitan nila ni Mocha Uson. Umaasa rin siyang maging matagumpay si Mocha bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Humingi ng dispensa si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon sa mga nasaktan dahil sa pagpalag at pagtuligsa niya sa appointment ni Mocha Uson bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Ayon kay Mariel, mahal niya ang ating bansa kaya may korona man siya o wala ay patuloy pa rin ang pagpuna niya sa mga pangyayari o isyu na maaaring makakaapekto sa mga Pilipino.

Madaling-araw ngayong Biyernes, May 12, sinabi ni Mariel sa kanyang Twitter account, “Like all Filipinos, I love my country and I hope for a better Philippines.

"With or without a crown, I will continue to show my love for the nation by discussing issues that affect us.”

Kasunod nito, humingi siya ng paumanhin sa mga na-offend sa kanyang tweets noong Martes, May 9.

Umaasa rin siyang maging matagumpay si Mocha sa kanyang bagong trabaho sa Malacañang.

“I apologize to anyone who was offended as it was not my intention to do so.

Continue reading below ↓

"I wish Asec Mocha Uson success in her job.

"Moving forward, I will use this title as a platform to promote unity for the country. #AnythingAndEverythingForThePhilippines.”


Nitong Martes, sa paglabas ng appointment letter ni Mocha na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte, kaagad na nag-tweet ang beauty queen ng kanyang pagkadismaya.

Continue reading below ↓

Aniya, “Biased and disrespectful. She insults those who are against her. I'm not for her, I'm not for the other side (whatever that may be)."

"I love my country so it breaks my heart to know someone like her got a position in the govt."

Dahil sa kanyang mga sinabi, kinuyog ng supporters ni Mocha si Mariel at tinawag ng kung anu-anong masasamang salita.

Sagot ni Mocha sa kanya, gagalingan daw niya ang kanyang trabaho.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Mariel de Leon
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tinuldukan na ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon ang isyu sa pagitan nila ni Mocha Uson. Umaasa rin siyang maging matagumpay si Mocha bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results