Sandy Andolong stands by daughter Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon amid bashing

by Arniel C. Serato
May 13, 2017
Nagpahayag ng suporta si Sandy Andolong para sa anak na si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon na nakaranas ng bashing dahil sa pagkuwestiyon nito sa appointment ni Mocha Uson bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Matapang daw at mapagkumbaba ang kanilang reyna sa pamilya.

“Our brave and humble queen.”

Ganito inilarawan ni Sandy Andolong ang kanyang anak na si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon.

Ito ay bahagi ng kanyang mensahe bilang pagsuporta sa anak na kamakailan ay kinuwestiyon ang appointment ni Mocha Uson bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO).

Kahapon, May 12, nag-apologize ang dalaga sa mga na-offend sa kanyang opinyon.

Nirepost naman ni Sandy sa Instagram ang statement of apology ng anak kalakip ang caption na ito: "We love you Maria Angelica de Leon our brave & humble queen.”

We love you Maria Angelica de Leon our brave & humble queen

A post shared by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong_de_leon) on

Matatandaang dinumog ng supporters ni Mocha si Mariel matapos nitong sabihing hindi qualified si Mocha sa posisyon at marami raw ang mas karapat-dapat.

Narito ang tweets ni Mariel noong Martes, May 9, “Biased and disrespectful. She insults those who are against her. I'm not for her, I'm not for the other side (whatever that may be)."

"I love my country so it breaks my heart to know someone like her got a position in the govt."

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

May inspirational message din si Sandy sa anak na hindi naman daw nito kailangang pansinin ang ibang tao kung wala itong nakikitang maganda sa kanya.

Narito ang bahagi ng quote: "You don't have to spend your days hoping that other people will finally see your worth."

Blessed & joy filled weekend to all???? @mariaangelicadl

A post shared by Sandy_Andolong de Leon (@sandy_andolong_de_leon) on

Bukod kay Mariel, hindi rin nakaligtas kay G Tongi at Jasmine Curtis-Smith ang pagkahirang kay Mocha sa Malacañang.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpahayag ng suporta si Sandy Andolong para sa anak na si Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon na nakaranas ng bashing dahil sa pagkuwestiyon nito sa appointment ni Mocha Uson bilang assistant secretary for social media ng Presidential Communications Operations Office (PCOO). Matapang daw at mapagkumbaba ang kanilang reyna sa pamilya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results