Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jed Madela mulls filing legal action over rumor linking him to figure-skater Michael Martinez

by Arniel C. Serato
May 15, 2017
Ikinagulat ng multiawarded singer na si Jed Madela na ginawan na pala siya at ang premyadong figure-skater na si Michael Martinez ng kuwento ng ilang netizens. Pinag-aaralan na raw ng kanyang legal team ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga gumagawa ng tsismis tungkol sa kanya at kay Michael. 

Pinag-aaralan ng singer na si Jed Madela ang paghahain ng reklamo laban sa mga taong nagkakalat ng balitang may kaugnayan sila ng figure skater na si Michael Martinez.

Noong unang linggo ng Abril, umuwi sa Pilipinas si Michael, 20, upang magbakasyon ng ilang araw matapos ng kanyang kumpetisyon sa Finland.

Habang nasa bansa, nanood si Michael ng It’s Showtime ng ABS-CBN.

Sa Instagram, sinabi ni Michael: “Watched @itsshowtimeofficial_ig live today!!! And I was able to meet everyone!!!”

Watched @itsshowtimeofficial_ig live today!!! And I was able to meet everyone!!!

A post shared by Michael Christian Martinez (@martinezfrost3) on

Matapos nito, naging usap-usapan sa social media ang diumano’y larawan nina Michael at Jed habang nasa isang restaurant.

Mapapansin na pareho ang suot na mga damit nina Jed at Michael sa Instagram post ng figure skater.

Ngunit hindi raw aware si Jed sa malisyosong balitang ito dahil hindi siya naging aktibo sa Twitter ng ilang buwan.

Na-hack daw kasi ang Twitter account ng 39-year-old singer noon pang nakaraang taon.

Pagkatapos ma-recover ang kanyang Twitter account nitong May 11, nagulat si Jed sa pagli-link sa kanila ni Michael.

Continue reading below ↓

Ang salitang ginamit ng nagkakalat ng balita tungkol kina Jed at Michael ay "flirting."

Mensahe ni Jed: “Oh wow! I just got back in Twitter and this is what I get??? Ganun ba ako ka interesting na gawan nyo ng kwento??? Nakakatawa. #Screenshot.”

Payo ng ilan niyang followers, gumawa siya ng hakbang upang matigil na ang mga malisyosong balitang ito.

Sagot ng singer, “We already screenshot the post and the people who reacted to it. Forwarding it for legal action.”

Read Next
Read More Stories About
Jed Madela
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ikinagulat ng multiawarded singer na si Jed Madela na ginawan na pala siya at ang premyadong figure-skater na si Michael Martinez ng kuwento ng ilang netizens. Pinag-aaralan na raw ng kanyang legal team ang pagsasampa ng reklamo laban sa mga gumagawa ng tsismis tungkol sa kanya at kay Michael. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results