Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon slams TRO on contraceptives

by Bernie V. Franco
May 18, 2017
Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon says Supreme Court's TRO ruling on contraceptives deprives women of their rights to health and family planning. 

Inalmahan ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon ang desisyon ng Supreme Court na magkaroon ng temporary restraining order (TRO) sa distribusyon ng contraceptives sa bansa.

Ayon sa anak ng mga aktor na sina Christopher de Leon at Sandy Andolong, ito ay malinaw na pag-alis sa karapatan ng mga kababaihan.

Noong nakaraang linggo, nagdesisyon ang Supreme Court na maglabas ng TRO sa pagdi-distribute ng contraceptives sa bansa.

Sa sunud-sunod niyang tweets nitong Miyerkules, May 17, binanggit ni Mariel ang ilan sa mga pinagdadaanang hirap ng mga babae pagdating sa kalusugan.

Ayon pa sa beauty queen, ang ipinasang TRO ng Supreme Court ay malinaw na pagtanggal sa karapatan ng mga kababaihan pagdating sa family planning.

Diin niya, hindi “pro-life” ang pagtanggal ng access sa mga babae sa mga bagay na makabubuti para sa kanilang kalusugan.

Sinagot din ni Mariel ang isang netizen na nag-tag ng artikulong nagdudulot daw ng abortion ang contraceptives.

Continue reading below ↓

Aniya, napatunayan nang hindi nagiging sanhi ng aborsiyon ang mga kontraseptibo. May mga paalala at impormasyon din daw sa lalagyan ng mga kontraseptibo.

STORIES WE ARE TRACKING

Bago ito, nasangkot din sa kontrobersiya si Mariel nang almahan niya ang pagkakatalaga sa singer-blogger na si Mocha Uson bilang Presidential Communications Operations Officer Assistant Secretary for Social Media.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon says Supreme Court's TRO ruling on contraceptives deprives women of their rights to health and family planning. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results