Luis Manzano suffers foot fracture; might undergo surgery

by Arniel C. Serato
May 19, 2017
Hindi pa malinaw kung sumailalim sa isang operasyon si Luis Manzano matapos ang aksidenteng sinapit dahil sa mali niyang pagtapak sa itaas na bahagi ng sidewalk na kanyang dinaanan. Pero hindi naman nagpakita ng pagkabahala ang TV host. 

Napilay ang kanang paa ng TV host-actor na si Luis Manzano at posibleng sumailalim siya sa operasyon.

Ito ay bunsod ng mali niyang pagtapak sa mataas na bahagi ng sidewalk na kanyang dinaanan.

Sa kanyang Instagram at Facebook posts kagabi, May 18, sinabi ni Luis na mas maganda sana kung makabuluhang bagay ang naging sanhi ng pagkapilay niya.

Mensahe ng 36-year-old Kapamilya star, “Hello Sprain, mo-ka!!! (gusto ko sanang sabihin na sprain ako dahil may mga tinulungan ako sa nasusunog na building, kaso ang totoo, namali lang ako ng tapak mula sa mataas ng sidewalk...shet).”

Sa isa pang post, sinabi ni Luis na nagkaroon din ng bali ang kanyang paa at baka operahan ito.

Idinaan na lamang niya sa biro ang sinapit na aksidente.

“So Yes, i have a fractured foot with quite a long healing time ahead of me with different casts plus chance that surgery might be needed... oh well... f*ck. (wag kayong mag-alala, hindi naapektuhan kagwapuhan ko, relax).”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Luis Manzano
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa malinaw kung sumailalim sa isang operasyon si Luis Manzano matapos ang aksidenteng sinapit dahil sa mali niyang pagtapak sa itaas na bahagi ng sidewalk na kanyang dinaanan. Pero hindi naman nagpakita ng pagkabahala ang TV host. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results