Jasmine Curtis-Smith answers netizen asking about her "stretchmarks"

by Arniel C. Serato
May 22, 2017
Hindi raw intensiyon ng isang follower ni Jasmine Curtis-Smith sa Instagram na insultuhin o laitin ang aktres sa kanyang komento tungkol sa stretchmarks nito. Pero para kay Jasmine, hindi niya ikinahihiya ang kanyang stretchmarks.

Hindi pinalampas ni Jasmine Curtis-Smith ang komento ng isa niyang follower tungkol sa diumano’y blurred picture ng aktres sa Instagram, kahapon, May 21.

Sa post ng Kapatid star, makikitang naka-two-piece swimsuit siya, ngunit tila blurred sa bandang puwet niya.

Paddling for some peace and quiet. ????

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith) on

Kasalukuyang nagbabakasyon si Jasmine sa Surigao del Norte kasama ang boyfriend nitong si Jeff Ortega.

Sunbaked ?

A post shared by Jasmine (@jascurtissmith) on

May ilang netizens ang nagtanong kung bakit blurred ang bandang puwetan ng dalaga.


Continue reading below ↓

May isa namang nag-comment na baka raw sinadya ito ni Jasmine upang hindi makita ang kanyang “stretch marks.”

Binura naman kaagad ito ng nagkomento na si @glenda_julian, ngunit sinagot siya ng aktres.

Ayon kay Jasmine: “@glenda_julian i dont mind my strechmarks. They are part of who I am. No need for me to cover them up!”


Continue reading below ↓

Kaagad namang humingi ng dispensa ang netizen. Hindi raw niya intensiyong mang-insulto.

Mensahe niya kay Jasmine: “Yep that's why I said BAKA miss @jascurtissmith .. at maganda parin naman kahit meron, kasi ako meron din nian. And like you I don't mind to cover them. I don't have any intensions to insult or what. I am just sharing thoughts kung bakit nakablur. Maybe dahil sa tubig or un nga. Pls don't get mad I am one of your fan. ???? sorry kung naoffend kau sa comment ko…”


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Jasmine Curtis Smith
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi raw intensiyon ng isang follower ni Jasmine Curtis-Smith sa Instagram na insultuhin o laitin ang aktres sa kanyang komento tungkol sa stretchmarks nito. Pero para kay Jasmine, hindi niya ikinahihiya ang kanyang stretchmarks.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results