Jennylyn Mercado dismisses rumored engagement to Dennis Trillo

by Nerisa Almo
May 22, 2017
Jennylyn Mercado on possibility of getting engaged to boyfriend Dennis Trillo: "Mukhang malabo pa po 'yan."

Bagamat masaya ang pagbabalikan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, tila nananatiling top priority ng magkasintahan ang kanilang career.

Sa ginanap na press conference ng My Love From the Star noong nakaraang linggo, natanong ang aktres kung handa na siya kung sakaling mag-propose sa kanya si Dennis.

Sagot niya, “Hindi ko pa po alam. Pero sa ngayon, mukhang malabo pa po 'yan.

“Wala pa po kaming napag-uusapan. At saka malabo pong mangyari 'yon.”

Sa ngayon ay parehong abala sina Jennylyn at Dennis sa kani-kanilang bagong teleserye sa GMA Network.

Si Dennis ay isa sa mga bida sa Mulawin vs. Ravena, na magsisimula ngayong Lunes, May 22.

Si Jennylyn naman ay ang lead actress sa Pinoy adaptation ng Koreanovela na My Love From the Star, na magsisimula sa May 29.

Beautiful???? #auroraborealis #northernlights

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny) on

Bago pa ang pahayag ni Jennylyn, nauna nang pinabulaanan ni Dennis ang balitang engaged na sila ng kanyang girlfriend.

Sabi ng aktor, “Mangyayari yun kung oras na, di ba?”

Continue reading below ↓

Kung sakaling mangyari, magiging pribado raw ang kanyang magiging plano.

Ayon kay Dennis, “Hindi rin ako yung ganung klaseng tao na broadcast ang lahat ng nangyari sa buhay.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado on possibility of getting engaged to boyfriend Dennis Trillo: "Mukhang malabo pa po 'yan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results