Diego Loyzaga denies rumored breakup with Sofia Andres

by Melba R. Llanera
May 29, 2017
Diego Loyzaga clarifies reports that he and Sofia Andres have broken up. He said, "You know, tsismis is tsismis."

Itinanggi ni Diego Loyzaga ang balitang break na diumano sila ni Sofia Andres.

Ito ay sa kabila ng hindi pa direktang inaamin ng dalawang Kapamilya stars ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Pahayag ni Diego sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “You know, tsismis is tsismis.

“Huwag na lang kayong making sa tsismis, yun na lang.

“Yung mga gumagawa ng tsismis, sila lang yata nakakaalam.”

Bilang patunay na walang problema sa pagitan nila, may simpleng sorpresang hinanda si Sofia para sa kaarawan ni Diego noong May 21.

Kuwento ng Pusong Ligaw actor, “Sinorpresa niya ako kaninang umaga, bigla siyang may cake na dala.

“Hinanap niya ako sa stage, nilapitan niya ako, ‘Kumain ka na ba?’

“Sabi ko, ‘Hindi pa.’ Umalis siya bigla, pagbalik niya, may dala na siyang pagkain saka may cake siyang dala.”

Nakausap ng PEP si Diego sa 25th anniversary ng Star Magic sa ASAP noong nakaraang linggo.

Continue reading below ↓

DIEGO’S MOM. Samantala, masaya si Diego dahil mamamalagi na sa Pilipinas ang kanyang inang si Teresa Loyzaga.

Saad niya, “Nandito kasi utol ko, nandito ako. E, ang ermat ko, laging nasa Australia.

“Parang nahihirapan naman kami na pabalik-balik siya, and pati siya nahihirapan.

“Binibigyan siya ng offer na magtrabaho dito, may trabaho din siya dun.

“Yung aso niya, hindi niya maiwan dun, dinala niya dito.

“Seryoso ‘yan, ha, kasi parang baby girl niya yung aso niya.

“Parang kapatid namin yung aso namin, so dinala niya dito.”

Patuloy ni Diego, “It’s the most practical choice na lumipat na siya dito.

“Mas masaya, may nangungulit sa akin.”

Si Diego ay anak ni Teresa sa actor-director na si Cesar Montano.

Read Next
Read More Stories About
Diego Loyzaga, Sofia Andres
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Diego Loyzaga clarifies reports that he and Sofia Andres have broken up. He said, "You know, tsismis is tsismis."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results