Erik Matti slams critics after cursing at Duterte supporters; gets an ally in Jim Paredes

by Arniel C. Serato
May 29, 2017
Jim Paredes (left) to Erik Matti (right): "Salamat Erik! You said it for many people."

Nagsalita na ang award-winning director na si Erik Matti tungkol sa natanggap niyang batikos at mura mula sa mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nagsimula ito nang murahin ni Direk Erik sa kanyang Facebook post ang mga bumoto kay Duterte noong May 2016 elections, kasunod ng pagproklama nito ng martial law sa Mindanao dahil sa terorismong dulot ng ISIS-inspired Maute group.

Dahil dito ay inulan din siya ng mura sa kanyang Facebook.

Kinabukasan, May 25, isang mensahe ang ipinarating ni Direk Erik sa kanyang mga kritiko: “There is nothing wrong with being silent about things even when the country is in disarray. But to be silent and still criticize those who speak up is the height of apathy and cowardice.”


Continue reading below ↓

Sa comments section, sinabi pa ng direktor na naghayag lang siya ng kanyang pananaw, at bakit kailangan awayin ng mga tao ang mga nais lamang maghayag ng kanilang opinyon.



Continue reading below ↓

JIM PAREDES SUPPORTS ERIK MATTI. Kaugnay nito, isang kaibigan ni Direk Erik ang nag-tag ng artikulong nailathala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagmumura niya sa mga tagasuporta ni Duterte.


Nakisang-ayon naman ang isa pang kritiko ng Pangulo na si Jim Paredes sa direktor.

Mensahe ni Jim: “Salamat Erik! You said it for many people.”

Continue reading below ↓

Tugon ni Direk Erik: “I'm hoping to mature soon and be less passionate.”

Sagot dito ni Jim: “Lol. I will never mature.”


STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Jim Paredes, Erik Matti
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jim Paredes (left) to Erik Matti (right): "Salamat Erik! You said it for many people."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results