Paolo Ballesteros's camp denies breakup with rumored boyfriend

by Erwin Santiago
May 30, 2017
Kumalat ngayong araw ang balitang break na diumano si Paolo Ballesteros at ang rumored boyfriend nitong si Roland Ochoa Anog. Ngunit ayon sa kampo ng actor-TV host, walang hiwalayang naganap.

Pinabulaanan ng kampo ni Paolo Ballesteros ang balitang hiwalay na ang actor-TV host sa rumored boyfriend nitong dancer na si Roland Ochoa Anog.

Itinanggi rin ng kampo ng Eat Bulaga! host ang naiulat dito sa PEP na nakabuntis umano si Roland kaya hiniwalayan siya ni Paolo.

"Walang hiwalayan na nagaganap at wala din namang nabuntis," pahayag ng isang source na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)..

Nagsimula ang espekulasyong hiwalay na sina Paolo at Roland dahil sa magkahiwalay na Instagram posts nila.

Noong Linggo, May 28, nag-post si Paolo ng larawan ng dalawang braso na may identical tattoos, na kapag pinagtabi ay maghuhugis-puso na may pakpak.

Pinaniniwalaang ang mga kamay na ito ay kina Paolo at Roland.

Maikling caption dito ng actor-TV host: "That's it pancit."

Thats it pancit. ????.

A post shared by Paolo Ballesteros (@pochoy_29) on

Kinabukasan, May 29, si Roland naman ang nag-post sa kanyang Instagram account (r.a.0606) ng larawan nila ni Paolo na tila kuha sa isang bakasyon.

Continue reading below ↓

Caption dito ng dancer: "thanks for the memories!"

thanks for the memories!

A post shared by Roland Ochoa Anog (@r.a.0606) on

Ngunit sa comment section, may mga mensaheng ipinost si Paolo na nagpapahiwatig ng pagiging sweet nila sa isa't isa.

Sa kabila ng Instagram posts at usap-usapan tungkol sa kanila, wala pang direktang pahayag sina Paolo at Roland sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Continue reading below ↓

Mananatiling bukas ang PEP kung sakaling may nais sabihin o linawin sina Paolo at Roland tungkol sa isyung ito.

Read Next
Read More Stories About
Paolo Ballesteros
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kumalat ngayong araw ang balitang break na diumano si Paolo Ballesteros at ang rumored boyfriend nitong si Roland Ochoa Anog. Ngunit ayon sa kampo ng actor-TV host, walang hiwalayang naganap.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results