Sunshine Cruz hopes court battle with estranged husband Cesar Montano will end soon

by Arniel C. Serato
Jun 7, 2017
Umaasa si Sunshine Cruz na matapos at magkaroon na ng desisyon ang korte sa kasong isinampa niya laban sa estranged husband na si Cesar Montano. 

Umaasa si Sunshine Cruz na matapos na ang court battle sa pagitan nila ng estranged husband na si Cesar Montano.

Pahayag ng Wildflower actress sa latest Facebook post niya ngayong Miyerkules, June 7, “4 1/2 years of going back and forth. Testifying tomorrow am. Praying this ends soon. Masyado ng matagal.”


Continue reading below ↓

May isang netizen ang nagtanong sa Kapamilya actress kung bakit ang tagal ng itinakbo ng kaso nila ni Cesar.

Sagot ni Sunshine, “I have no idea. Patience na lang. Sana matapos na."

Taong 2013 nang maghiwalay sina Sunshine at Cesar matapos ang halos 13 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Ikinasal ang dalawa noong 2000, ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan dahil umano sa romantic involvement ni Cesar sa starlet na si Krista Miller.

Kasunod nito, nagsampa ng kaso si Sunshine laban sa aktor na may kaugnayan sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children (VAWC) Act.

Read: Are Sunshine Cruz and Cesar Montano having marital problems?

Sa ngayon, masaya na si Sunshine sa bago nitong karelasyon sa katauhan ni Macky Mathay, half-brother ng aktres na si Ara Mina.

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Cruz, Cesar Montano
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umaasa si Sunshine Cruz na matapos at magkaroon na ng desisyon ang korte sa kasong isinampa niya laban sa estranged husband na si Cesar Montano. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results