Liza Soberano fed up with negativity on social media

by Nerisa Almo
Jun 23, 2017
Liza Soberano: "Tired of social media and the verbal abuse celebrities get online."

Si Liza Soberano ang bagong dagdag sa mga artistang nagpahayag ng saloobin tungkol sa mga negatibong salitang madalas na ipinupukol sa kanila sa social media.

Sa kanyang Twitter account ngayong Biyernes, June 23, sinabi ni Liza: “Tired of social media and the verbal abuse celebrities get online.”

Agad namang nagpakita ng suporta ang mga tagahanga ni Liza sa kanyang post.

May ilang nagpaalala na huwag na niyang pansinin ang mga negatibong salitang sinasabi tungkol sa kanya.

Mayroon ding nagsasabing gawing motivation ang pamba-bash na nababasa niya sa social media.

Kamakailan lang, umani ng batikos ang ginawang pagsigaw ni Liza ng “Darna” sa Sunday noontime show na ASAP.

Paliwanag naman ni Liza, “Well, hindi ko po siya pinapraktis.

“Nahihiya ako sa sarili ko na i-practice siya kasi hindi ko pa alam kung anong tamang way talaga.

“But, if they tell me na ako talaga yung sisigaw ng 'Darna,' then I will do it.”

Continue reading below ↓

Kaugnay nito, may ilan ding hindi nagustuhan na isang baguhan tulad niya ang napiling gumanap bilang si Darna sa movie remake na gagawin ng Star Cinema.

Pahayag ni Liza tungkol dito, “If they don’t think I’m the right one to be Darna, then so be it. I respect that.

“But I still want to prove to everybody that I am the right one to be Darna—that I can do it, that I’m trying to do my best.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Read More Stories About
Liza Soberano, Darna
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Soberano: "Tired of social media and the verbal abuse celebrities get online."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results