Ping Medina still not ready to forgive Baron Geisler

by Ruel J. Mendoza
Jul 18, 2017
Ping Medina on his dream to be a screenwriter: "It’s something I can do simultaneously, like being creative and acting. I’m doing just the usual stuff, but now, I’m more of concentrating sa writing. I’ve always been developing but never finishing. But right now, this time, I’m developing a script with Direk Dondon Santos."

Inamin ng aktor na si Ping Medina na wala na siyang komumikasyon kay Baron Geisler dahil blocked na ito sa kanyang social media account.

Sinubukan daw noon ni Baron na mag-reach out sa kanya, pero hindi pa raw siya handang makausap ito.

Pahayag ni Ping, “It’s not really something I focus on.

“You know, he was, like, still messaging me, but I was seen-zoning him all the time.

“Eventually I had to block him on Facebook.”

Nagsimula ang alitan ng dalawang aktor nang totohanang ihian ni Baron si Ping sa isang kinukunang eksena ng pelikulang Bubog, kahit wala naman ito sa script.

Ang insidente ay nauwi sa pagpa-file ng pormal na reklamo ni Ping sa Professional Artists Managers, Inc. (PAMI) laban kay Baron.

Pinatawan ng parusa si Baron na hindi ito puwedeng makipagtrabaho sa alinmang talents ng mga miyembro ng PAMI.

STORIES WE ARE TRACKING

Simple lang ang naging sagot ni Ping sa tanong kung mapapatawad na niya si Baron.

Continue reading below ↓

Aniya, “Right now, I just don’t really think about it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ping sa grand reveal ng YES! 100 Most Beautiful Stars for 2017, sa Luxent Hotel, noong July 11.

THE MEDINA MEN. Nagpapasalamat naman si Ping sa YES! magazine dahil nakasama niya ang kanyang mga kapatid na sina Karl, Alex, at Victor Medina, at ang ama nilang si Pen Medina sa list ng 100 Most Beautiful Stars ngayong taon.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

May sarili silang category na “The Medina Men.”


Continue reading below ↓

Saad ni Ping, “It’s fun because it’s with my family, and my kuya [Karl] and yung bunso namin [Victor], kasi pareho silang late bloomer sa industry.

“So I’m really excited for them because they’re coming out. Watch out for them.

“Among my brothers, I’m the moody one. Minsan joker, minsan wala sa mood.”

Bukod sa pag-arte, abala rin si Ping sa kanilang food business.

Gusto rin niyang mag-focus sa pagsusulat ng isang screenplay tungkol sa kaguluhan ngayon sa Marawi.

Ani Ping, “It’s something I can do simultaneously, like being creative and acting.

“I’m doing just the usual stuff, but now, I’m more of concentrating sa writing.

“I’ve always been developing but never finishing.

“But right now, this time, I’m developing a script with Direk Dondon Santos.

“It’s loosely based on the things happening in Marawi, but it’s not set in Marawi. It’s somewhere in southern Mindanao.”

Read Next
Read More Stories About
Ping Medina, Baron Geisler
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ping Medina on his dream to be a screenwriter: "It’s something I can do simultaneously, like being creative and acting. I’m doing just the usual stuff, but now, I’m more of concentrating sa writing. I’ve always been developing but never finishing. But right now, this time, I’m developing a script with Direk Dondon Santos."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results