Ahron Villena to Kakai Bautista: "Ang alam ko NEVER naging tayo."

by Bernie V. Franco
Jul 21, 2017
Ahron Villena's direct message to Kakai Bautista on her recent statement about him: "Bakit, ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba?"

Binuweltahan ni Ahron Villena ang pahayag ng dating na-link sa kanyang si Kakai Bautista na tila nagbibigay-pahiwatig na nagkaroon sila ng romantic relationship.

Sa press conference ng upcoming comedy concert ni Kakai na Live, Love, Laugh nitong Martes, July 18, ibinahagi ng singer-comedienne tungkol sa pagkikita at pagbabati nila ni Ahron.

Tinanong si Kakai kung may ipinakilala sa kanya si Ahron na special someone nang magkita sila.

Bahagi ng kanyang sagot: “Sinagot ko na ‘yan dati. Alam ko naman yun, and accepted ko naman kung ano man siya.”

STORIES WE ARE TRACKING

AHRON REACTS. Subalit halatang hindi nagustuhan ni Ahron ang pahayag na ito ng dating malapit na kaibigan.

Isang statement ang ipinost ng aktor sa kanyang Twitter account nitong Huwebes, July 20.

Caption niya sa naka-attach na statement, “There are always two sides to every story.”

Kalakip ng tweet ni Ahron ang matapang na reaksiyon niya sa pahayag ni Kakai.

Continue reading below ↓

Sabi ng aktor: “Tangap mo kung ano ako? Saan galing un?

"Bakit Ano ba ang alam mo sa pagkatao ko?

"Naging tayo ba?

"Ako ang alam ko NEVER naging tayo.

"Nanahimik ako kasi marunong akong rumespeto sa Babae."

Sa dulo ng statement, dumepensa si Ahron na mayroon siyang karapatang ipagtanggol ang sarili.

KAKAI-AHRON STORY. Nagsimula ang usap-usapang may romantic involvement sina Ahron at Kakai noong 2015 dahil sa sweet photos at videos na ipinu-post nila sa social media.

Kaya naman nagulat ang marami nang mag-post si Ahron noong March 2016 na tila na-friendzone si Kakai, kasabay ang pagbura sa mga larawan nila sa Instagram.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa exclusive interview naman ng PEP kay Kakai noong June 2016, paglalarawan niya sa naging relasyon nila ni Ahron, “Whatever it was, it was special and we were happy.”

STORIES WE ARE TRACKING

Kahapon, July 20, ibinahagi ni Kakai sa kanyang Twitter account ang link ng video ng recent interview niya na hindi nagustuhan ni Ahron.

Continue reading below ↓

Tweet pa ng komedyana, "This is what I said during the interview. NOTHING MORE, NOthing Less."

Read Next
Read More Stories About
Ahron Villena, Kakai Bautista
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ahron Villena's direct message to Kakai Bautista on her recent statement about him: "Bakit, ano ba ang alam mo sa pagkatao ko? Naging tayo ba?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results