Kim Last defends Trops co-star Joel Palencia on alleged photo scandal

by Jojo Gabinete
Jul 24, 2017
That's My Bae member and Trops star Kim Last clarifies his rumored relationship with an Eat Bulaga! dancer: "Saglit lang [ang relasyon namin], parang two months lang. Araw-araw kami na nagkikita sa Eat Bulaga, pero friends na lang. Alam niya na career first."

Itinanggi ni Kim Last na mayroong kissing photo scandal ang kanyang Trops co-star at That’s My Bae co-member na si Joel Palencia.

Nagsalita nang tapos si Kim na hindi totoo ang kumalat na litrato ni Joel na nakikipaghalikan sa kapwa lalaki at naging dahilan ng suspension nito sa Eat Bulaga! at Trops.

“Kilala ko si Joe, hindi totoo yun,” diin ng Filipino-British dancer-actor.

Pero nang sabihin sa kanyang sangkot sa bagong scandal ang isang kasamahan niya sa Trops, sagot ni Kim: “Ewan ko sa kanila… hindi mapigilan ang ano nila. Ako, controlled ako.”

Tiniyak naman ni Kim na wala siyang scandal na lalabas. Pero kung mayroon man daw, hindi sa internet.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa set visit ng Sunday Pinasaya, sa Studio 7 ng GMA Network Center, kahapon, July 23.

STORIES WE ARE TRACKING

KIM'S RELATIONSHIP. Pinabulaanan din ni Kim ang balitang tuloy pa rin ang relasyon nila ng isang member ng Eat Bulaga Dancers.

Continue reading below ↓

Hindi rin daw totoong nagbakasyon sila sa London.

Sabi niya, “Dati pa yun, wala na yun.

“Wala akong isinama sa London.

“Saglit lang [ang relasyon namin], parang two months lang.

“Araw-araw kami na nagkikita sa Eat Bulaga, pero friends na lang.

“Alam niya na career first.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Dagdag pa ni Kim, “Nang malaman sa Eat Bulaga! na girlfriend ko siya, they supported us.

“Sabi nila, basta tahimik lang kami."

Inamin ni Kim na siya ang nakipag-break.

Paliwanag niya, “After a while, I realize, hindi ko kaya na balansehin ang dalawa [career and love life].

“Monday, Wednesday, at Friday ang tapings ko sa Trops...

“Actually, sinabi ko sa kanya na pumunta ako dito sa Pilipinas para sa career, hindi sa love life.”

Read Next
Read More Stories About
kim last
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
That's My Bae member and Trops star Kim Last clarifies his rumored relationship with an Eat Bulaga! dancer: "Saglit lang [ang relasyon namin], parang two months lang. Araw-araw kami na nagkikita sa Eat Bulaga, pero friends na lang. Alam niya na career first."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results