Paulo Avelino on absence at son's birthday party: "I'm not invited."

by Arniel C. Serato
Jul 25, 2017
Hindi pa makapagbigay si Paulo Avelino ng dahilan kung bakit hindi siya inimbita ni LJ Reyes sa 7th birthday party ng kanilang anak na si Ethan Akio nitong nakaraang linggo. Pero nagpadala naman daw siya ng regalo para sa anak.

Halatang pilit pinipigilan ni Paulo Avelino ang emosyon nang matanong tungkol sa hindi niya pagdalo sa 7th birthday celebration ng anak na si Ethan Akio.

Si Aki ay anak ng Kapamilya actor sa dating kasintahang si LJ Reyes.

Ginanap ang Batman-inspired 7th birthday celebration ni Aki sa Blue Leaf Cosmopolitan, sa Libis, Quezon City, noong Sabado, July 22.

Dinaluhan ito ng mga miyembro ng pamilya ni LJ, mga kaibigan, mga kaklase ni Aki, at ng boyfriend ng aktres na si Paolo Contis.

STORIES WE ARE TRACKING

Paglilinaw ni Paulo tungkol sa hindi niya pagdalo sa kaarawan ng anak, “Hindi ako invited. Hindi ako invited, yun lang.”

Pero nagpadala naman daw siya ng regalo sa anak.

PAST AND PRESENT. Samantala, umamin na si Paulo na may bago siyang girlfriend—ang Filipino-Australian model na si Jodie Elizabeth Tarasek.

Sa eksklsusibong panayam ng PEP sa Kapamilya actor, diretso niyang sinabing masaya siya ngayon sa piling ng kanyang bagong nobya.

Continue reading below ↓

STORIES WE ARE TRACKING

Pero bago sila naging item ni Jodie, naging usap-usapan din ang closeness ni Paulo sa model-entrepreneur na si Natasha Villaroman.

Ano ba ang nangyari sa kanila at hindi sila nagkatuluyan?

Sagot ni Paulo, “Kay Tash, hindi lang siguro tamang panahon. Parang wrong timing lang siguro.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo sa launching ng bago niyang endorsement, ang RDL Beauty Products, ngayong Martes ng tanghali, sa Annabel's Restaurant, sa Tomas Morato, Quezon City.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kasama rin niyang inilunsad bilang bagong endorsers ng nasabing product line sina Albert Martinez at Miss International 2016 Kylie Verzosa.


Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Paulo Avelino
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi pa makapagbigay si Paulo Avelino ng dahilan kung bakit hindi siya inimbita ni LJ Reyes sa 7th birthday party ng kanilang anak na si Ethan Akio nitong nakaraang linggo. Pero nagpadala naman daw siya ng regalo para sa anak.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results