Lea Salonga reacts to Aga Muhlach's "the one that got away" revelation

by Bernie V. Franco
Jul 28, 2017
Lea Salonga looks back to the time when she discovered that her leading man, Aga Muhlach, consider her as "the one that got away."

"Lea is the one that got away. And she never knew."

Ito ang bahagi ng mahabang liham na isinulat ni Aga Muhlach para sa dating leading lady na si Lea Salonga.

Ang liham ay mababasa sa Playlist - A Celebration of 35 Years, ang libro ni Lea na lumabas noong 2013.

Sa panayam ni Lea sa episode ng ABS-CBN morning show na Magandang Buhay ngayong Biyernes, July 28, ay tinanong kung ano ang naging reaksiyon niya nang mabasa ang sulat ni Aga para sa kanya.

“I was in shock. Frozen in my chair!” simula ng Broadway Diva.

Dagdag pa niya, “I thought it was sweet, very well written, very heartfelt.”

Ang love team nina Lea at Aga ay sumikat noong dekada '90.

Nakagawa sila ng dalawang pelikula na parehong naging box-office hits: Bakit Labis Kitang Mahal (1992) at Sana Maulit Muli (1995).

NEVER MEANT TO BE. Sinabi rin ni Lea ang dahilan kung bakit hindi naging sila ni Aga habang ginagawa nila ang kanilang mga pelikula.

Continue reading below ↓

Lahad niya, “Bad timing talaga ‘coz when we were shooting Bakit Labis Kitang Mahal, ako yung may boyfriend sa totoong buhay.

“Nung Sana Maulit Muli, during the first part [of the movie], umiiyak-iyak [si Aga] because he had just broken up with a girlfriend.

“And then, naghiwalay muna...”

Nag-focus daw siya sa musical play at gumawa naman ng ibang pelikula si Aga.

Nang magkita sila ulit at itinuloy ang shooting ng Sana Maulit Muli, sabi ni Lea, “Nagka-girlfriend ulit [si Aga], ako naman yung single.

“So, talagang hindi kami meant in real life.

"We are not meant to be in real life.

"We are meant to be onscreen, good friends, partners."

Ito rin ang nakikitang dahilan ni Lea para maging epektibo ang kanilang partnership onscreen.

“The partnership works kasi walang complications, walang drama behind the scenes.”

Diin pa niya, “We’re better off as friends, we’re better off as really good friends, because our partnership would not work otherwise.

Continue reading below ↓

“Walang drama, e. So we can keep making you people kilig.”

Samantala, wala pang katiyakan kung kailan muling gagawa ng pelikula ang dalawa sa kabila ng request ng fans para sa isang reunion movie.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lea Salonga looks back to the time when she discovered that her leading man, Aga Muhlach, consider her as "the one that got away."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results