Daniel Padilla irked by Paul Salas's comment about his basketball scuffle with JC de Vera?

by Nerisa Almo
Aug 15, 2017
Daniel Padilla (left) on Paul Salas's (right) comment about him during the Star Magic All-Star basketball game: "Seryoso ba tong mga to tol?"

Hinamon ni Daniel Padilla ang kapwa niya Star Magic artist na si Paul Salas sa isang basketball game match.

Ito ay matapos makarating sa La Luna Sangre star ang komento ni Paul sa nangyaring insidente sa pagitan ng una at ni JC de Vera sa nakaraang Star Magic All-Star Game.

STORIES WE ARE TRACKING

Isang netizen ang nag-post ng komento ni Paul sa isang Facebook post na nagpapakita ng pangyayari kung saan nagkainitan sina Daniel at JC sa basketball game noong Linggo, August 13.

Makikita na tila nangungutyang nagkomento si Paul ng “hahahaha curry na curry ba.”

Ang tinutukoy ng young actor ay ang NBA star na si Stephen Curry, na idolo ni Daniel.

Sabi pa ni Paul sa isa niyang post, "Mag laro ka nalang ng lazer tag kung ayaw mo masaktan sa basketball."

Naka-tag dito ang ilang mga kaibigan niya.


Continue reading below ↓

Ni-repost ito ng isang Twitter user kagabi, August 15.

Hamon pa ng netizen, “Hello po. I dare Paul Salas and friends to tell these straight to Daniel's face. Please RT. Let's help them find their balls.”

Ilang sandali lamang ay nakarating ang komentong ito ni Paul sa ilang teammates ni Daniel sa ginanap na all-star basketball game.

Unang nag-react si Marco Gumabao: “Hahahahaha ano to game naman ako 5 on 5.. ikaw ba bro @patsugui? Kayo @PaulAndreSalas?

Sumunod nito ay sumagot na rin si Anjo Damiles.

Sabi niya tungkol sa Facebook comment ni Paul, “Sobra naman yun.”

Pagkatapos ay tinanong niya kung puwede rin siyang sumali.

Maya-maya pa ay sumagot na rin mismo si Daniel.

Sabi niya, “Seryoso ba tong mga to tol?”

Pagkatapos ay may paghahamong tinanong ni Daniel si Paul: “Ano? Sagot.”

Agad na naging top trending topic ang tweet ni Daniel kay Paul na #anosagot.

Continue reading below ↓

Hindi naman nagpatinag si Paul.

Sabi niya, “G pa sched na kami ng court.”

GIRLFRIENDS' SUPPORT. Samantala, marami ring fans ang nakapansin na tila suportado ni Kathryn Bernardo ang rumored boyfriend niyang si Daniel sa basketball game match na ito.

Nag-post ang Kapamilya actress ng isang GIF kung saan makikita si Steph Curry na pumapalakpak sabay nag-thumbs up.

Tila gayundin naman ang napapabalitang girlfriend ni Paul na si Barbie Imperial.

Sabi niya sa kanyang tweet, "Good times or bad times, i got his back. even if you bash me, i just wanna show you guys that bad comments wont stop me, i know him."

PEPsters, sa basketball game match na ito, kanino kayo kakampi: kay Daniel o kay Paul?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla (left) on Paul Salas's (right) comment about him during the Star Magic All-Star basketball game: "Seryoso ba tong mga to tol?"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results